Hindi na ako nakipagkuwentuhan kahapon kay Senator Jinggoy Estrada dahil nagmamadali ako sa pagpunta sa studio ng Startalk.
Hindi ko na tuloy narinig ang mga kuwento niya na siguradong juicy dahil very witty si Papa Jinggoy.
Basta ang alam ko, lilipad si Papa Jinggoy sa Japan kasama ang kanyang buong pamilya. Apat na araw sila na magbabakasyon sa land of the rising sun.
Well-deserved ni Papa Jinggoy ang Japan trip dahil naging busy siya sa mga trabaho niya sa senado.
“Hindi ko pa alam” ang consistent answer ni Papa Jinggoy sa mga nagtatanong kung totoo na may balak siya na kumandidato bilang vice president ng ating bansa sa 2016.
Masyadong maaga pa para i-reveal ni Papa Jinggoy ang kanyang political plans.
By 2016, fifty-three years old na si Papa Jinggoy as in swak na swak na siya sa vice presidency.
Indio nag-pictorial na
Kahapon ang cast pictorial ng Indio sa studio ng GMA 7. Ang Indio ang epic serye na pagbibidahan ni Sen. Bong Revilla, Jr. at ipalalabas ito sa January.
Solenn naglalagare sa Sosy Problems at Seduction
Kahapon din ang presscon ng Sosy Problems sa GMA 7. Ang female cast lang ang present sa presscon, sina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Heart Evangelista, at Bianca King.
Nagpaalam agad si Solenn sa presscon dahil may dubbing pa siya para sa Seduction, ang coming soon movie nila nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.
Wala sa presscon ang male cast na kinabibilangan nina Aljur Abrenica at Mikael Daez pero sumipot sila sa red carpet premiere na ginanap kagabi sa SM Megamall Cinema 5.
Ang Sosy Problems ang official entry ng GMA Films sa Metro Manila Festival (MMFF) 2012.
Parade of Stars organisado
Well-organized ang Parade of Stars ng MMFF na magaganap ngayong hapon sa Roxas Boulevard, Manila City.
Nabigyan ng press ID ang mga member ng media na magko-cover ng event.
Naglabas ng ID ang executive committee para magkaroon ng access sa mga float ang mga reporter at mainterbyu nila ang mga artista.
Sa totoo lang, maganda ang pagpapatakbo ni MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino sa MMFF kaya sigurado na magiging successful ang filmfest ngayong 2012.