The year 2012 has been a good year for LJ Reyes kaya she’s very thankful sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya from the Lord. Sa Cinemalaya Independent Film Festival last July, hindi man siya nanalo ay marami namang nagsabi na dapat siya ang nanalong best actress sa indie film nilang Syokoy with JM de Guzman. Kaya ngayong nagka-casting na muli ang Cinemalaya for 2013 festival, wish niyang makagawa pa siyang muli ng isang magandang indie film. Type rin niyang matuloy ang part two ng Tiktik: The Aswang Chronicles nila nina Dingdong Dantes at Lovi Poe.
Ilang months na rin ang kanilang telefantasya na Aso ni San Roque at masaya sila dahil win sila sa ratings sa GMA 7. Matatapos na sila sa Jan. 11 pero hindi pa nila tini-taping ang final week kaya bitin sila kung paano ito magtatapos.
Nanonood ang four-year-old son nila ni Paulo Avelino, si Aki, ng serye at naapektuhan ang anak kapag nakikita siyang umiiyak, tulad din kapag nakita nitong umiiyak si Paulo noong ipinalalabas pa ang Walang Hanggan.
This Christmas, hindi sila makakapagbakasyon dahil may taping pa siya at si Paulo ay sasali sa Parade of Stars sa Sunday para sa film entry nila sa Metro Manila Film Festival, ang Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion from Regal Entertainment, Inc. at magsisimula na rin itong mag-taping ng bagong teleserye sa ABS-CBN, ang Kahit Konting Pagtingin with Angeline Quinto and Sam Milby. May sinabi na rin sa kanyang bagong soap na gagawin sa GMA7 after ng Aso ni San Roque.
Isang folding double bed na magagamit niya sa taping ang Christmas gift sa kanya ni Paulo at isa ring puwedeng gamitin araw-araw sa taping ang gift niya sa boyfriend. Mahilig naman sa aso si Aki kaya iyon ang Christmas gift niya sa anak. Basta ngayon ay happy si LJ kaya kahit may mga issue sa boyfriend, hindi niya pinapatulan. What’s important, maganda pareho ang takbo ng kanilang career at happy sa anak nilang si Aki.
Jake magpi-feeling Mr. Pogi
Nakausap namin si Kuya Germs (German Moreno) at naikuwento niya na guest mamayang gabi sa Magpakailanman ni Mel Tiangco ang talent niyang si Jake Vargas at ang ka-Tween Hearts nitong si Derrick Monasterio. Natawa lamang kami kay Kuya Germs dahil hindi niya masabi ang name ng dalawang winners na gagampanan ni Jake ang character ng grand winner at si Derrick ang first runner-up ng Mr. Pogi contest ng Eat Bulaga.
Makakasama rin nila sa episode sina Bobby Andrews at Andrea del Rosario.
Tuloy pa rin ang Cielo de Angelina at Pepito Manaloto ni Jake.