Nagkaroon ng chismax noon na meron isang game show na ang mga pinipiling contestant ay mga kasabwat ng mga insider sa show. Dahil sa sobrang laking papremyo, nagsimula ang katiwalian sa mga nasa palabas mismo.
Napag-usapan pa na hindi naman lahat ng big prizes ay naibibigay sa mga winner ng kanilang mga game at pa-raffle. Malaking porsiyento nito, nakakatkong (nakaka-cut) ng mastermind sa corruption sa loob ng palabas!
Ang malungkot lang, wala namang sapat na imbestigasyong naganap kaya hindi napatunayan kung may sapat na batayan ang mga bintang.
Ngayong higit na malalaking papremyo ang maghihintay sa mga contestant, pati mga homeviewers, sana maging tapat at matino naman ang palakad sa mga TV game show.
Anong ahensiya ba ng gobyerno ang dapat nagre-regulate sa mga ganitong TV show?
Sagupaan sa tanghali, bubulaga sa 2013
Sa pagpasok ng 2013, pinakaaabangan na ang muling sagupaan sa noontime slot ng local TV ng mga Dabarkads ng Eat Bulaga sa isang bagong palabas sa tanghali ni Willie Revillame.
Nangyari na ito sa few years back nang mag-head-on collision ang Bulaga with Revillame’s former noontime show on ABS-CBN. Kahit nahirapan, nagawa naman ng Wowowee na maungusan sa ratings ang Eat Bulaga, kahit sandaling panahon. Sa ilang taong nasa ere nagkasabay sa ere ang dalawang palabas, neck to neck ang naging laban nila sa viewership’s share.
Kung ano ang mga bagong sandata ng controversial na comedian sa kanyang bagong giyera, wala pang nakakaalam. Everything about the new show is being kept under lock and key.
At kung ano naman ang mga aabangang welcome new change sa mahigit na tatlong dekada nina Tito, Vic, & Joey at mga kasama, hindi pa rin natin batid. Sigurado sila na dapat muling mga maging trying hard ang tatapat sa Bulaga.
Ang tiyak, magpapataasan ng mga cash prize at iba pang malalaking pa-premyo ang naglalabang mga noontime show. Siyempre ang makikinabang ng husto, ang viewing public at lahat ng kasali sa kanilang mga palaro.
Direk Carlo sisimulan na ang biopic ni Atty. Persida
Ipinahayag ni Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta na tuloy ang kanyang multi-awarded TV show, Public Atorni on Aksyon TV. Kasabay nito ang mga top news program na TV Patrol at 24 Oras.
Sinisimulan na rin ang mga research tungkol sa buhay ni Atty. Acosta. Sinusulat na kasi ang script para sa pagsasapelikula ng kanyang buhay. Tiyak na very interesting ang magiging biopic na to be directed by Carlo J. Caparas.
Naging makulay ang buhay ng public servant/TV host simula pa nang maging self-supporting student siya, nakatapos ng abogasya at naging topnotcher sa bar exam. Pati ang kanyang love life pampelikula dahil sa kakaibang romansa! Kahit one-man woman siya, meron din namang ups and downs ang kanyang buhay pag-ibig.
Ganda ng ’Pinas ipinagmalaki ni Direk Brillante Mendoza sa Around the World
Ang Thy Womb director na si Brillante Mendoza ang guest/guide sa bagong show na Around the World with Voyager hosted by Scot Woodward on History channel.
Ipapalabas ang Manila episode with Direk Mendoza sa Channel 24 (SkyCable) on Jan. 14, 11:00 p.m. Ang sabi ng host ng show na bantog na photographer ay mapapanood natin kung gaano kamahal ni Mendoza ang kanyang bansa. Makikita pa sa nasabing episode ang patuloy na interes ng multi-award winning film director sa mga magagandang tanawin at iba pang bagay sa Pilipinas.
Sa mga mata ni Direk Mendoza at ng host na si Scot Woodward, nakikita natin kung gaano kaganda at ka-interesting ang ating bansa.
Magkakaroon pa ng replay ang Around the World with Voyager Manila episode on Jan. 16 (8:00 p.m.), Jan. 19 (11:00 p.m.), at Jan. 20 (6:00 p.m.).
Gov. ER dobleng pulmonya ang inabot sa El Presidente
Dalawang ulit nagkasakit ng pneumonia si Laguna Gov. ER Ejercito habang ginagawa ang El Presidente dahil sa sobrang pagod.
Habang pinapanood ng punung-punong sinehan sa SM Mall of Asia ang El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story, nakita ng lahat na sulit na sulit ang lahat ng pagod at malaking gastos sa official Metro Manila Film Festival entry.
Higit na ipagkakapuri natin ang maging Pilipino kapag napanood ang epic, historical film.