Hindi nagawang palampasin ni Angel Locsin ang ganda ng istorya ng One More Try bilang ang karakter ni Grace na isang single mother. Paano pinaghandaan ng magandang aktres ang kanyang role? Nagtanung-tanong pala siya sa mga nanay kung paano gawing makatotohanan ang papel.
“Si Direk Ruel (Bayani) talaga ang rason kung bakit napapayag akong gawin ito. Never pa kaming nagkatrabaho pero nabibisita ko na siya sa set nung nasa GMA pa ako at marami akong naririnig na magagandang bagay tungkol sa kanya,” aniya.
May laban si Angel at ganun din si Angelica Panganiban sa best actress derby sa 38th Metro Manila Film Festival Awards Night.
Sa kabilang banda, first time na mapapanood sa pelikula si Zanjoe Marudo na mabigat ang drama. Ito na ang pinakamalaking project na nagawa niya bilang aktor.
First time ring nagkasama sa pelikula sina Angel at Zanjoe. May love scene ang dalawa kaya kinabahan, nailing, at na-tense ang aktor pero sinabihan siya ng aktres na huwag mag-alala. Bago nag-take ay nagpunta muna sa bathroom si Angel para magdasal na nawa’y maging maganda ang kalalabasan ng kanilang love scene.
Palabas na sa Pasko ang One More Try na isa sa walong official entries sa filmfest under Star Cinema.
Shake… susunod na mananakot sa Paranormal Activity
Hindi lang sa family drama o comedy ang inaabangan ng mga tao sa Kapaskuhan kundi gayun din ang horror movie gaya ng Shake, Rattle &Roll XIV: The Invasion. Katatapos lang ng Paranormal Activity 4 na kinatakutang pelikula ng mga manonood at maganda ang naging feedback. Susunod na ang Shake…
Ang kaibahan lang ng Shake… sa Paranormal Activity 4 ay ’di na gumamit ng prosthetics ang mga bida ng huli. Hindi gaya ng mga pelikula natin na kung hindi aswang ay multo ang nakikita. Sa Paranormal Activity kasi ay mga kalabog ang kinasisindakan ng mga manonood.