Sabay-sabay pumasok sa 9501 ng ELJ Building ng ABS-CBN ang mga Sisterakas na sina Vice Ganda, Kris Aquino, at AiAi delas Alas, kasama ang young love team nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Unang tanong ay bakit pumayag si Kris na mauna ang name ni Vice sa billing. Aminado si Kris na talaga namang mahuhusay at box-office stars sa comedy sina AiAi at Vice at siya ang bunso nila. Siya ang kontrabida sa kanilang tatlo at humanga si Direk Wenn Deramas kay Kris dahil wala itong reklamo kahit ano ang ipagawa niya. Ikinaiyak din ni Kris ang papuri sa kanya nina Vice at AiAi na humanga sa pag-ad lib niya, dahil kung sila raw ang nag-a-adlib, wala nang mabibigla but with Kris ay gulat sila talaga sa husay nito at sa timing sa pagpapatawa.
Two weeks pa bago ang Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Dec. 25 pero lahat na ay nagtatanong kung sino ba ang magna-number one ngayon sa box-office. “In God We Trust” ang sagot ni AiAi. Si Vice, he trusts daw himself. Si Kris, No. 3 daw siya noong MMFF 2010, No. 2 noong 2011, kaya dapat No. 1 na siya ngayon na dapat daw dahil pare-pareho silang co-producers sa movie. May 25% share silang tatlo, 25% sa Viva Films, at 50% sa Star Cinema. Tinawagan din si Kris ni Charo Santos-Concio at ang fearless forecast nito ay sila ang numero uno dahil napaka-hilarious ng movie.
Sa kanilang tatlo, pinaka-excited si Vice dahil first time niyang gumawa ng MMFF movie at first time na sasali sa Parade of Stars sa Dec. 23 na magsisimula sa Manila Hotel going to Mall of Asia. Salamat sa panalo namin sa raffle from Kris and AiAi. Nag-share sila ng blessings, ganoon din sina Direk Wenn at Vice Ganda, sa entertainment press.
Valerie hinangaan sa kakaibang pananalig
Mamayang gabi na ang premiere showing ng Flames of Love sa SM Megamall sa Manadaluyong City at ang mga manonood ang maghuhusga kung magugulat nga sila sa role na ginampanan ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla na first time gumanap ng sabi ay daring role. Casting coup ang movie na nagtatampok din kina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Ricky Davao, at Valerie Concepcion, kasama pa rin sina Megan Young, Alvin Anson, Mavi Lozano, Jodi Nebrida, Marita Zobel.
May tema ng marital problems ang movie na sinulat at produced by Baby Nebrida at sa direksiyon ni Gigi Alfonso. Sa press preview pa lamang ng movie, marami na ang humanga kay Valerie Concepcion dahil sa kanya umiikot ang story na ang mensahe ay ang matinding pananalig ng mga tao sa Panginoon at ang kapangyarihan ng panalangin.
Ang theme song ay sinulat din ni Baby Nebrida at inawit ni Bea Tantoco. Nagpasalamat din sina Baby at Direk Gigi Alfonso sa Cinema Evaluation Board (CEB) sa pagbibigay ng Grade B sa movie na magsisimula nang mapanood simula sa Wednesday, Dec. 12. Produced by Gold Barn, iri-release ito ng Solar Entertainment Corp.