Mas gustong maghakot ng award: Gov. ER hindi naghahangad na kumita ang El Presidente

Ayon kay Laguna Governor ER Ejercito, nagpa­alam na sa kanya ang leading lady na si Nora Aunor sa El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story na sa float ito ng Thy Womb sasakay sa Metro Manila Film Festival parade on Dec. 23 at naintindihan naman niya ito.

“Nag-usap na po kami at naiintindihan naman ng mga producer natin na kailangan bilang panguna­hing artista sa Thy Womb na dapat at nararapat lang na sumakay siya sa karosa ng Thy Womb. At sa El Presidente ay leading lady naman siya ng panguna­hing artista,” sabi ni Gov. ER sa presscon ng El Presidente.

Pero natutuwa naman ang aktor/pulitiko na trai­ler pa lang ng El Presidente ay napakarami nang pu­mupuri nito at hinuhulaang hahakot na naman ng awards tulad din ng filmfest entry niya last year na Asiong Salonga.

Ayon kay ER, sa totoo lang, hindi niya pangunahing intensiyon ang kumita sa filmfest dahil mas gusto niya talaga ang humakot ng awards.

“Dahil ibig sabihin kapag maraming awards, ibig sabihin, maganda ang pelikula at maraming nagkagusto at talagang dekalidad at sulit na ang pagod at hirap naming lahat, lalo na ang bulsa ng producer,” sabi ng leading man sa pelikula.

Isa pang ikinatuwa niya ay ang pag-endorso ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) sa El Presidente.

 “Pareho kaming nararamdaman ngayon ni Konsehal Alfred Vargas dahil ang pelikula niyang Supremo ay iniendorso rin ng DepED at CHED tulad ng El Presidente na talagang natutuwa po kami dahil nakakapagbigay kami ng pagpapahalaga ng kasaysayan ng Pilipinas at ang mahalaga rito ay matuto tayo sa pagkakamali ng kasaysayan ng ating bansa, we have to learn from history’s mistakes, ito ang moral lesson ng pelikula,” he said.

Ang El Presidente: The Emilio Aguinaldo Story ay mula sa direksiyon ni Mark Meily and will open on Dec. 25.

Andi umaming inilaglag ang ina, mas naunang kinampihan ang ex-bf

Umiling lang si Andi Eigenmann nang tanungin ni Kris Aquino sa Kris TV morning program kung okay na sila ng ina niyang si Jaclyn Jose.

When asked kung nag-reach out na ba ang nanay niya sa kanya, simpleng “no” lang ang sagot ni Andi.

Ipinaliwanag naman ni Kris sa kababalik lang niyang co-host na si Sen. Chiz Escudero kung bakit nagkatampuhan ang mag-ina. Aniya, nagsimula nga sa isang interview ni Jaclyn at pagkatapos nun ay nagkaroon na ng distansiya ang mag-ina.

Ang interview na tinutukoy ay nang magsalita nga si Jaclyn na parang tumututol ang magulang ni Jake Ejercito (former Pres. Joseph Estrada and Laarni Enriquez) sa relasyon ng anak kay Andi.

Tinanong ni Kris si Andi kung talaga bang hindi nito alam na magpapa-interview ang ina.

 “No. She just told me and Jake when she got home ’tapos ’yung sinabi niya, hindi ’yun ’yung lumabas sa interviews. Na-hurt kami ni Jake kasi parang nilaglag kami.”

Pero ipinaliwanag naman ni Andi na oo nga’t hindi raw sila okay, nirerespeto pa rin niya ang intensiyon ng mommy niya.

 “Especially pa na after the interview I chose to go on TV only to defend someone else’s mom and someone else, Jake. Pero at the end of the day, my mom, she’s still there.

 “So, parang ’yung ginawa ko, mali ko rin ’yun na parang mas kinampihan ko pa ’yung boyfriend ko than my mom. Even if my mom maganda ’yung intentions and my boyfriend just left me out of nowhere,” pag-amin pa ni Andi.

Show comments