Paulo gagawing bida sa hapon ng Kapa­milya!

Pang-hapon ang bagong show ni Paulo Avelino sa ABS-CBN.

Bida na si Paulo sa sa drama show na pag­kakaaba­lahan niya pagkatapos ng Walang Hanggan. Hindi nabakante si Paulo nang mag-goodbye TV ang Walang Hanggan dahil nagkaroon siya ng mga show sa ibang bansa at tinapos niya ang shooting ng Lost Command, isa sa tatlong episode ng Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion.

Sa nalalapit na Christmas, plano ni Paulo na umak­yat sa Baguio City para madalaw niya ang kanyang mga kamag-anak doon. Pero hindi pa sure.
 Matagal-tagal na rin na hindi nakakauwi si Paulo sa bahay nila sa Baguio City dahil naging hectic ang kanyang schedule nang gawin niya ang Walang Hanggan.

Sandy at Christopher magkaramay pati sa puyatan

Bawal kay Sandy Andolong ang magpu­yat pero wala siyang choice dahil halos mag­hapon at magdamag ang kanyang taping para sa mga eksena niya sa Pahiram ng Sandali.

Naiintindihan ni Christopher de Leon ang sitwasyon ng kanyang misis dahil magkasama sila sa show. Kung puyat si Sandy, puyat din si Boyet as in magkaramay sila sa hirap at ginhawa.

Nauubusan ng mga nakapondo na eksena ang Pahiram ng Sandali. Madalas na nangyayari na kapag kinukunan sa umaga ang mga eksena, ito ang ipinapalabas kinagabihan.

Kung may kunsuwelo man ang mga artista at ang production staff, ito ay ang mataas na rating ng kanilang show. Nada­ragdagan ang mga tumututok sa Pahiram ng Sandali dahil balitang-balita na maganda ang primetime show ng GMA 7.

Happy birthday, Butch!

Happy birthday bukas kay Butch Francisco, ang co-host namin nina Ricky Lo at Joey de Leon sa Startalk.

Sure ako na Dec. 9 ang birthday ni Butch dahil pareho sila ng kaarawan ni Janine Piad-Nacar, ang VP for Entertainment TV ng GMA 7 at former production unit manager ng Startalk. Happy birthday Butch!

TF ng aktor impossible dream ang asking price

Nag-lunch kami kahapon ni Rubby Sy sa Steaktown, ang restaurant ni Willie Revillame sa Sgt. Esguerra, Quezon City. Si Mama Rubby ang big boss ng Flawless na nagpapatulong sa akin sa paghahanap ng male celebrity endorser.

Isang aktor ang puwedeng-puwede na endorser ng Flawless pero impossible dream ang asking price ng kanyang manager.  Marami pa riyan ang deserving na maging celebrity endorser ng Flawless kaya hindi kawalan ang aktor na humihingi ng napakataas na talent fee.

Stem cell products ilalabas ng Flawless

May bagong product ang Flawless na pormal na ipapakilala sa January. Bongga ang anti-aging pro­duct dahil ito ang stem cell line ng Flawless. Maganda ang packaging at higit sa lahat, FDA approved ang stem cell products ng Flawless na mula sa isang rare kind ng mansanas.

Very affordable ang presyo ng stem cell products na siguradong magiging hit sa masa.  Bago magkalimutan, babatiin ko muna ng happy anniversary ang Flawless.

Ngayong Dec. 8 ang actual anniversary ng Flawless. Eleven years na ang nakalilipas ula nang buksan ni Rubby ang kauna-unahan na branch ng Flawless sa SM Megamall at hindi siya nagkamali ng pulso at pasya dahil bahagi na ng pamumuhay ng mga Pinoy ang kanyang beauty company. Happy anniversary Flawless!

Show comments