Tension kina Pacman at Juan Manuel ramdam na ramdam na

Ramdam na ramdam na ng mga Pinoy sa Las Vegas, Nevada ang tension dahil sa muling paghaharap nina Congressman Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa boxing ring.

Mapapanood sa GMA 7 ang laban nina Pacquiao at Marquez. Live na mapapakinggan sa mga radio station ng Kapuso station ang blow-by-blow account ng bakbakan ng dalawa na matagal nang may unfinished business.

Siyempre, gusto ko na manalo si Pacquiao dahil karangalan ng ating bansa ang tagumpay niya. Sure ako na taimtim na ipagdarasal ng mga kababayan natin sa Bisaya at Min­danao ang victory ni Papa Manny dahil siguradong nagbibigay ito ng tulong sa mga nasalanta ni Typhoon Pablo.

Marky Cielo apat na taon nang patay pero misteryo pa rin ang nangyari

Ngayon ang fourth death anniversary ng young actor na si Marky Cielo. Natatandaan ko na may laban din noon si Pacquiao sa Las Vegas nang pumutok ang balita na pumanaw si Marky.

Balot ng misteryo ang maagang pagpanaw ni Marky dahil hindi na nalaman ng publiko ang tunay na dahilan ng kanyang kamatayan.

Alice hindi nawawalan ng manliligaw

Maraming salamat kay Judy Magdame dahil ipinadala niya sa akin ang mga giveaway ng TV5 bilang hindi ako nakasipot sa Christmas party ng Kapatid Network.

Umapir si Alice Dixson sa Christmas party pero kahapon lamang pumutok ng husto ang balita na maghihiwalay na sila ng kanyang Canada-based husband. Ang ending, nakaligtas siya sa pangungulit ng mga reporter na clueless sa current status ng love life ni Alice.

Magandang babae si Alice. Hindi mawawalan ng manliligaw ang mga kagaya niya. Ewan lang natin kung kailan muling magmamahal si Alice na naka-focus ngayon sa career ang atensiyon.

Nalilito ang fans sa tunay na pamagat ng TV series nina Nora Aunor, Cesar Montano, at Alice.

Sa mga unang balita na lumabas, Never Say Goodbye ang title ng teleserye pero sa Christmas party ng TV5, Never Ever Say Goodbye ang sinabi ni Alice. Malalaman natin ang tumpak na pamagat kapag nagpatawag na ng presscon ang Kapatid Network para sa kanilang bagong primetime show.

Mga bida sa bagong TGIS, ipinakilala na

Pormal na ipinakilala kagabi ng GMA 7 sa entertainment press ang mga kabataan na bida sa TGIS.

Siyempre, nangunguna sa TGIS new members ang Protégé winners na sina Jeric Gonzales at Thea Tolentino. Makakasama nila sa TGIS sina Gianna Revilla at Gabriel de Leon na hindi na kailangan ng introduction. Alam ng lahat na anak nina Lani Mercado at Bong Revilla, Jr. si Gianna at youngest son naman nina Christopher de Leon at Sandy Andolong si Gabriel.

Matagal nang gustong mag-artista nina Gianna at Gabriel pero ngayon lamang sila pinayagan ng kanilang mga magulang. Hindi na naawat ang dalawang bagets dahil mas maganda na pumasok sila sa showbiz kesa malulong sa barkada.

 

Show comments