Bossing mas Ipinagtanggol si Ryzza!
Ipinagtanggol ni Bossing Vic Sotto sa presscon para sa Si Agimat, si Enteng Kabisote at si AKO ang pag-intriga kay Ryzza Mae Dizon. Bakit daw may picture pa ang name ng seven-year-old winner ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga sa movie pero wala ang isa pang child star na si Jillian Ward?
“Siguro dahil sa role, mas malaki kasi ang role ni Ryzza Mae sa movie,” sagot ni Bossing. “I don’t want to demean Jillian because she is a star in her own right. Pero si Ryzza ay si Chichay na isang engkantada at kasama sa kaharian ni Angelina, si Judy Ann Santos. May power siya na sa liit niyang iyon, nagiging duwende pa siya. Si Jillian ay nasa mundo naman ni Agimat, ni Sen. Bong Revilla, Jr.”
Biniro si Bossing na sabi ni Ryzza Mae, siya lamang ang walang regalo sa kanya. Si Sen. Bong kasi ay binigyan na siya ng iPad. Si Juday, binigyan siya ng silyang pang-artista na tulad ng silyang gamit nila sa shooting. Pero may Christmas wish si Ryzza na sana ay magkaroon siya ng bahay na malapit sa Broadway Centrum, ibibigay ba niya iyon?
“Racketeer pala siya. Si Ryzza, kaya niyang mabuhay sa sarili niya. Minsan sa shooting namin sa Tanay hindi dumating agad ang caterer namin. Siyempre, gutom na ang lahat, nakagawa agad siya ng paraan. May mga excursionist doon sa isang lugar na mga beki, nilapitan niya at nag-perform siya, ang kanyang famous na chacha dance,” kuwento ni Bossing.
“Pinalakpakan siya. Tanong niya, paano naman ako? Pagbalik niya sa set may mga dala na siyang pagkain na bigay sa kanya. Siya rin ’yung batang kahit pagod na, walang tantrum. Kapag sinabing take na siya, naroon agad. Naalaala ko tuloy sa kanya si Aiza Seguerra na noong four years old pa lang ito.”
Supremo bibida ng Cinemanila
Opening na ngayon ng 14th Cinemanila International Film Festival sa Market! Market! sa Taguig City kaya nagpasalamat ang presidente nitong si Tikoy Aguiluz dahil sa pangalawang taon ay muli itong sinuportahan ni Taguig Mayor Lani Cayetano at ng kanyang City Council.
Mapapanood simula ngayong Dec. 5 to 11 ang may 40 films here and abroad. Kasama rito ang pinag-uusapang Supremo dahil sa mahusay na acting ni Alfred Vargas at sa mahusay na pagkadirek ni Richard Somes ng indie film na kasali sa competition. Ipi-feature naman ang short films sa Young Cinema Night na mapapanood sa Bonifacio High Street lawn sa Friday, Dec. 7.
May tribute rin kina Direk Marilou Diaz-Abaya, Mario O’Hara, at Tony Veloria. Sa Dec. 8 ang awards night nila.
- Latest