Billy nag-iisip nang pakasal!
Apat na taon na ang relasyon nila ni Nikki Gil kaya naman naitanong namin kay Billy Crawford kung may maririnig na ba kaming wedding bells soon.
“Wala pa, wala pa. Not anytime soon, but hopefully,” say niya nang makatsikahan namin kamakailan.
As in hindi nila napag-uusapan at all?
“Of course, napag-uusapan din namin. ’Yung mga kung ano’ng gusto namin sa wedding or sino ang kukunin mo for your gown, sino ang best man ko, sino ganito, sinong ganyan,” sabi ng singer-dancer.
Nabanggit na ba ni Nikki sa kanya ang dream wedding nito?
“Oo naman. A beautiful one at nandoon kaming dalawa. May pari. May pastor,” natatawa niyang sagot.
Pero siyempre ang gusto nila ay church wedding. ’Yun nga lang for the year 2013 ay wala pa raw tayong makikitang Billy-Nikki wedding.
Tanong niya sa amin, “Puwede bang umipon nang umipon muna?”
When asked kung ano ang ideal age niya for marriage, siguro raw ay mga 32. He’s 30 now. So, sabi namin, sa 2014 pala siya pakakasal kung ganun.
“Hopefully. Hindi namin alam ‘yun. Only God really knows,” he said.
Samantala, sobrang thankful ni Billy at naging napakaganda naman ng 2012 for him. As we all know ay kapapanalo lang niya ng dalawang awards sa recently-concluded 26th Star Awards for TV para sa best male TV host para sa ASAP 2012 at best talent search program host para sa Pilipinas Got Talent.
Sa September next year ay babalik si Billy sa London, England para i-launch ang kanyang fourth international album. Hangga’t may opportunity doon for him ay magpapabalik-balik siya from here to there.
Pero hinding-hindi niya iiwan ang ABS-CBN at wala siyang plano to settle in London for good.
Vin nararamdaman na ang pressure sa TV5
Sobrang excited na si Vin Abrenica sa kanyang first major teleserye sa TV5. Makakasama niya ang ating nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Pinaghahandaan na nga raw niya ang role niya para naman hindi siya mapahiya kay Ate Guy.
Na-experience na ni Vin ang makaeksena ang Superstar at ito ay nang magkaroon ng acting challenge sa Artista Academy, ang katatapos lang na artista search ng TV5 na siya nga ang itinanghal na best actor.
Gagampanan ng fast-rising new actor ang papel na anak ni Guy at aminado naman siyang may pressure siyang nararamdaman lalo na nga’t ito ang kanyang first soap at ang Superstar pa ang kasama.
Si Vin ay nakababatang kapatid ni Ajur Abrenica at noong nagsisimula pa lang siyang sumali sa Artista Academy, maraming nagsasabi na baka hindi siya makaalis sa anino ng kanyang kuya at parati lang siyang ia-address as “kapatid ni Aljur.”
Pero sabi ni Vin, talagang ginagawa niya ang best niya para naman magkaroon ng sariling identity and slowly kahit paano ay nararamdaman naman niyang nagbabago na ang pagtingin sa kanya ng mga tao.
Samantala, catch Vin and Aljur on Dec. 8 sa kanilang show sa Zirkoh Bar, Tomas Morato, Quezon City kasi for the first time ay makakasama rin nila ang amang si Jojo Abrenica. Father and Sons ang pamagat ng show at dito magkakaalaman kung sino ba ang mas magaling – ang mga anak o ang ama nila?
- Latest