Richard natulungan ng anim na buwang relasyon kay Sarah, bumigay sa love scenes!

Sina Richard Gutierrez, Jay Manalo, Solenn Heussaff, at Direk Peque Gallaga ang naabutan namin nang dumalaw kami sa set ng Seduction sa Oasis Park Hotel in Manila.  Wala si Sarah Lahbati.

Hindi pa tapos ang shooting pero si Richard excited nang mapanood ang movie na first salvo ng Regal Entertainment, Inc. sa Jan. 30 ang sho­wing. Based sa synopsis, mai-involve si Ram (Richard) sa dalawang babae, si Trina (Sarah) na he seduced at kay Sophia (Solenn) na nang-seduce sa kanya. 

Sa pagkukuwento ni Direk Peque, maraming love scenes na gagawin si Richard. Kaya tanong namin, may butt exposure ba ang Kapuso actor dito?

“Hindi ko alam kay Direk Peque. May isa pa akong love scene na kukunan namin sa Caramoan, Camarines Sur. Kung ano ang sabihin ni Direk Pe­que susundin ko, although sa mga nauna kong love scenes, nagpakita na ako ng flesh,” sagot ni Richard. 

Thankful ako na nabigyan ng ganito kagandang project. This is my first time na umalis ako sa a­king comfort zone. Hindi tulad ng mga una kong role na good boy ako, kaya I thank Direk Peque dahil nailabas niya kung ano pa ang puwede kong ipakita.”

Kuwento pa ng direktor, may isang eksena na fake tequila ang dapat na iinumin ni Richard pero may katabi itong bote ng totoong hard drink, sa halip na ang tequila ang inumin ni Richard, ang hard drink ang nainom nito kaya raw lumabas ang cha­racter na gusto niyang magawa ni Richard.

“Nadala ako sa eksena and I gave my one hundred percent performance,” sabi pa ni Richard.

Wala man si Sarah, hindi naman nagkaila si Richard sa magandang relasyon nila ng isa sa kanyang leading lady at six months na pala ang relasyon nila na nakatulong para hindi siya mailang sa love scenes nila. Ganoon din sa good friend niyang si Solenn.

Regine nakakabirit na uli

It’s nice to hear that the Songbird, si Regine Ve­las­quez-Alcasid, ay muli nang nakakabirit sa pagkanta. Kahapon sa Party Pilipinas, after singing some Christmas songs with Ogie Alcasid, ini-announce na niyang tuloy na ang Silver 2 sa The Arena, Mall of Asia, sa Saturday, Jan. 5. May redemption period ang pagpapalit ng tickets since last Saturday, Dec. 1, up to Dec. 25. Paid tickets lamang ang papalitan. Ibig sabihin kung complimentary ang tickets ninyo, hindi na ito papalitan.

Sa Party Pilipinas pa rin, unang ipinarinig ni Julie Ann San Jose ang theme song ng bagong Sunday youth-oriented show na Teen Gen, ang Everything is OK na original composition ni Protégé 2 Mikoy Morales. 

Nagkaroon din ng production number ang bumubuo ng Teen Gen at ipinakilala na ang mga cha­racter na gagampanan ng bawat isa, kasama sina An­gelu de Leon at Bobby Andrews ng original T.G.I.S. Muli itong ididirek ni Mark Reyes at pilot telecast nila sa Dec. 16 after ng Party Pilipinas.

 

Show comments