Walang binatbat kay Heart? Melai malakas ang sex appeal kay Daniel

Kahit ano pa ang sabihin ng mga inggitera, hindi po isang black comedy ang nababalitang namumuong relasyon nina Daniel Matsunaga at Melai Cantiveros.

Kung nagsisimula na bago mag-Pasko hanggang maging fully blown pagpasok ng Bagong Taon tiyak na ito ang magiging most amazing love story of the season.

Sa mga intrigera, stop comparing Melai to Heart Evangelista, ang dating girlfriend ni Daniel. Magkaiba ang kanilang beauties at charms.

Who knows baka naman para sa Brazilian/Japanese higit na sexy at charming ang komedyana?

Baka nga si Melai pa ang maging official Mrs. Matsunaga in the near future. Magiging sobrang maligaya ang Pasko para sa PBB grand winner.

Sen. Bong nilalaban na maibalik ang sobrang singil ng telecom companies

Halos lahat tayo, pati mga bata, guma­gamit ng cell phone kaya’t masaya ang pahayag ni Sen. Bong Revilla, Jr. na siya mismo ang nagre-review ng mga franchise ng telecommunication companies. Kung hindi pa ibibigay ang mga dapat na refund sa prepaid at post-paid subscri­bers, magiging dahilan ito upang bawiin ang kanilang mga lisensiya.

Ayon sa chairman ng Senate Committee on Public Service na si Sen. Bong, dapat ibalik sa publiko ang sobrang siningil sa atin. Magandang Pamasko ito at tiyak na madaragdagan ang mga miyembro ng ating pamilyang maililibre natin sa panonood ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako, sa darating na Metro Manila Film Festival sa Pasko.

Hayden negosyo lang ang habol kay Zsa Zsa

Akmang-akma kay Zsa Zsa Padilla ang pagiging endorser ng mga ZO Skin Care products na bagong produkto ni Dr. Zein Obagi ng Japan. Kahit 48 years old na ang singer-actress, nanatili siyang mukhang bata at makinis ang kutis. Malaking tulong sa kanya ang ZO Skin Health and Medical Systems.

Kahit saan natin makita o mapanood si Zsa Zsa mukhang very fresh at may kakaibang glow ang kanyang face at balat.

Nagkataon naman na si Hay­den Kho, Jr. ang manager ng ZO products, kaya’t dito nagsimula ang mga almost ridiculous na tsismis. Kahit imposible ang mga ilusyon at espekulas­yon ng tao, ayaw nilang papigil.

Kaya naman pala, meron talagang relasyon ang dalawa. And it is a strictly business alliance!

Mga bakas ng nagdaan sa mukha ni Piolo naglaho na!

Bukod sa scar-free ang puso ni Piolo Pascual, scar free rin ang kanyang mukha.

Buti’t nadiskubre niya agad ang magical Fraxel treatment ng Belo Medical Group. Ang mga bakas ng acne at tigidig sa kanyang fez ay agad naglaho.

Malakas ang loob ng aktor na subukan ang makabagong gamutan ng mga bakas ng nag­daan sa kanyang fez kaya’t nag­laho ng lahat ang kanyang mga dating problema sa pagpapakinis ng mukha.

Ready na sa kanyang close-up si Piolo Pascual, Direk!

Aktres itinaguyod ang anak sa direktor, walang balak lumantad

Hanggang ngayon, hindi pa nakalantad ang aktres na nagkaroon ng anak sa batikang direktor. Siya mismo ang nagpasiya na maging saradong pahina ito ng kanilang buhay upang kapwa mabigyan ng proteksiyon ang kanilang anak at si Direk.

Dahil masipag naman at marunong sa negosyo ang actress, naitaguyod niya ang anak nilang single mother. Lalo pa nang makapag-asawa siya ng mayaman, higit na bumuti ang paglaki ng bagets na tiyak na makakatapos ng college.

Christmas décors makakatulong sa mowelfund

Mga sariling Christmas tree at iba pang Yuletide décor ang available sa Robinsons Magnolia Mall sa New Manila sa pangunguna ng gawa ni Presidente Noynoy Aquino.

Ang naggagandahang Pamaskong dekorasyon ay naglalayong makalikom ng kailangan funds ng Movie Welfare Workers Foundation (MOWELFUND). Nagsimula ang special sale ng mga pambihirang holiday items noong Dec. 1 at ongoing hanggang Dec. 7.

Mamakyaw na roon nang makatulong sa mga kasamahan natin sa industriya.

Britney Spears bagong kliyente ng Pinoy designer na si Michael Cinco

Ang multi-awarded singer na si Britney Spears nagsuot ng likha ng Pinoy designer na si Michael Cinco sa bagong Dress and Shout music video.

Dubai-based si Cinco at marami na siyang international celebrities sa listahan ng kayang clients.

 

Show comments