Kalendaryo ni KC binebenta sa bangketa

MANILA, Philippines - Tama si KC Concepcion sa pagpayag na maging calendar girl ng Tanduay.  Hindi kasi lahat ng artistang maganda o sexy ay puwedeng mag-model.

Tama rin na hindi na siya sawayin ni Sharon Cuneta dahil nasa edad na ang anak para pasukin anumang magustuhan nito.

Tiyak ngayong Pasko at Bagong Taon ay nakalatag na naman sa mga bangketa ng buong Avenida at Quiapo sa Maynila ang kalendaryo ni KC dahil ipinagbibili ito ng mga ilang pinalad mabigyan ng libre ng kumpanya. May ganito na ngayong nangyayari. Binibili na ang kalendaryo at hindi na ipinamimigay

Direk Maryo ipinagbabawal ang mga inaantok

Makakatikim na si Dingdong Dantes, ng isang teleseryeng acting ang pag-uusapan at hindi basta romansahan at babae lang ang palaging tina-target sa istorya ng Pahiram ng Sandali. Suwerte ang aktor at napaligiran siya ng magagaling na artista tulad nina Lorna Tolentino at Christopher de Leon.

At tiyak na mapapasabak sa pag-arte si Dingdong ngayon dahil isang Maryo delos Reyes ang nagdidirek sa teleserye nila sa GMA 7.

Alam n’yo bang walang artistang inaabot ng antok sa taping basta si Direk Maryo ang namamahala? Ipinagbabawal niya. Wala ring puwedeng magpahintay kay Direk na sinumang artista sa set lalo’t hindi naman maganda ang dahilan na ibibigay. Libo nga naman ang bayad sa mga bahay na pinagsyu-syutingan ngayon ‘tapos mabibitin lang?

Baliuag may Christmas party na sa barangay, may singing contest pa

Magkakaroon ng Christmas party ang mga dating kapitan ng barangay ng Baliuag, Bulacan  na handog ni Vice Mayor Tony Patawaran na dating action star.

Gusto niyang mapasaya ang mga kapitan na matagal-tagal ding hindi nakikita. Sina Remigio Quizon at Elizabeth Agtarap ang katuwang ni Vice Mayor Tony.

Sa sariling bulsa niya manggagaling ang mga regalong ibibigay sa party. Katuwiran ng dating aktor, minsan lang idaos a ng Pasko.

Samantala, magkakaroon naman ng paligsahan sa pagkanta sa Baliuag sa unang linggo ng Disyembre. Alamin na lang sa munisipyo ang iba pang detaye. Basta ang first prize ay P15,000, P10,000 ang kasunod, at P5,000 ang ikatlong premyo na kaloob naman ng butihing Mayor Romy Estrella.               

 

Show comments