Hindi inaasahan ni Jose Manalo na muli niyang makakatrabaho sa TV ang kapwa niya komedyante na si Eugene Domingo. Una kasing nagkatrabaho sila ni Uge noong 1992 pa sa afternoon drama series ng TAPE, Inc. na Valiente.
Pareho lang silang nagsisimula noon sa showbiz at kapwa pa maliliit ang mga role nila.
“Ngayon malaking pangalan na si Uge. Nagbibida na siya sa pelikula. Ako naman, heto, Jose pa rin. Sinuwerte rin tayo kahit paano.
“Kaya natuwa ako noong magkasama ulit kami ni Uge sa Celebrity Bluff ng GMA 7. ‘Tapos kasama pa si Wally (Bayola). Wala na... gulo na ito!” sabay natawa si Jose.
Sobrang busy siya dahil sa laging inaabangan na All For Juan, Juan For All ng Eat Bulaga. Mula Lunes hanggang Biyernes ay bilad sila nina Wally at Paolo Ballesteros sa init. Kahit nga raw umuulan, sumusugod pa rin sila.
Ngayon ay tuwing Sabado naman ay sa Celebrity Bluff siya napapanood.
“Masarap magtrabaho talaga. Wala akong reklamo. Magpa-Pasko pa naman, ‘di ba? Kaya kayod lang nang kayod. Marami kaming mga show din na gagawin sa Zirkoh at Klownz,” sabi ni Jose.
Sa Metro Manila Film Festival ay kasama rin sina Jose at Wally para sa Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Ako na bida sina Sen. Bong Revilla, Jr., Vic Sotto, at Judy Ann Santos-Agoncillo.
Ben Affleck pinabilib ang Hollywood sa pagsipa uli ng career
Si Ben Affleck ang hinirang na Entertainer of the Year ng Entertainment Weekly magazine. Unanimous choice ang Hollywood actor para siya ang maging cover ng year-ender issue.
Ayon sa editor ng mag na si Jess Cagle, “We’ve watched him grow up. He has really reached his pinnacle.”
Ang 40-year-old actor na nagsimula ang career 15 years ago sa Good Will Hunting ay sobrang natuwa dahil bukod sa magandang break niya sa showbiz ay maganda rin ang takbo ng kanyang family life. May tatlo silang anak ni Jennifer Garner -- Violet (6), Seraphina (3), at Samuel (nine months).
“Being at a place in my life and my career where I know what I’m trying to do, it’s different than being twenty six.
“I don’t mean I wanted someone to sit by the fire with. But when you have a family and children, you kind of see yourself reflected in them. I want to make the kinds of movies that my kids are proud of. I have higher standards, in a way, for them,” bahagi ng pahayag ni Ben sa magasin.
Bukod sa pagiging aktor ng tinatawag na “comeback kid” ng Hollywood, sumipa uli ng todo ang career ni Ben sa pagsabak din sa film directing at nabigyan pa ng papuri sa mga nagawa na niya tulad ng Gone Baby Gone, The Town, at Argo na malakas ang ugong na magkakaroon ng maraming nominations sa Oscars next year.