Matteo tinuldukan na si Maja sa kanyang buhay!

MANILA, Philippines - Agad na itinanggi ng Kapamilya actor na si Matteo Guidicelli na may balikang nagaganap sa pagitan niya at ng ex-girlfriend na si Maja Salvador. Nabibigyan lang daw ng kulay ang madalas nilang pagkikita lately gaya ng sa Sarah G. Live kasi spotted silang nag-hug at ganundin sa Star Magic benefit concert sa Venice Piazza sa McKinley Hills, Taguig City.

Nananatili raw silang good friends at mukhang malabo na talagang magkabalikan ang dalawa.

“Maja and I are okay. We talk. We’re good friends, that’s it. We’re in a friendship relationship, ’yon lang. Basta my concentration is Paraiso talaga and I don’t want to lose my focus. There’s no problem about being friends again. I’m happy we’re friends because I don’t like making enemies. I’m really proud and masaya talaga ako na magkaibigan kami talaga,” pahayag ng super cutie na si Matteo.

Aminado ang binata na nahihirapan siyang pagsabayin ang pakikipagrelasyon sa kanyang showbiz career at triathlon training. Kulang talaga ang kanyang oras at iyon ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Maja.

“I guess different ang priorities namin nga­yon. And I realize that I want to concentrate on my work first for now. I’m giving it all sa Paraiso,” sambit pa nito.

Sa tingin ba niya, given the chance ay may pag-asa pang they will end up together ni Maja in the near future?

 “I’m not thinking of it right now eh. Inisip ko talaga trabaho,”deretsahang sagot pa niya.

 “I really want to prove myself as an actor in a soap. I’m really thinking about work now.”

Samantala, tuluy-tuloy ang pagkahilig ngayon ng dating car racer na si Matteo sa pagtakbo kaya naman madali siyang nakumbinsi na lumahok sa charity event na SunPiology Run recently.

Bukod sa pagtulong, nagsilbi ring training para kay Matteo ang pagsali sa fun run na ito.

At dahil seryoso na ngayon ang Star Magic talent sa pagiging triathlete niya, siniguro niya na marami pa siyang triathlon events na sasalihan.

“Marami pang lined up races next year. Wala lang, just keeping a healthy lifestyle,” sabi ni Matteo.

 Bukod sa pagiging triathlete, abala rin ngayon si Matteo sa pinagbibidahan niyang afternoon soap sa ABS-CBN, ang Precious Hearts Presents: Paraiso.            

Show comments