^

Pang Movies

Kaya muntik nang dumanak ang dugo ebidensiya sa pakikipaghalikan ng young actor sa kapwa lalaki pinakialaman ng kaibigang young actor

SO CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Muntik na palang mag-umbagan ang dalawang young actors dahil sa pakikialam ng isa sa cell phone ng isa. Magkaibigan naman kasi sila.

Ilang beses na silang nagkasama sa mga TV show at harmless ang mga biruan nila. Kaya marami ang nagulat na kaibigan nila na muntik na silang mag-abot sa sapakan dahil hindi na natuwa si Young Actor A (YAA) sa ginawang biro ni Young Actor B (YAB).

Mahilig kasing mangalikot ng kung anu-anong gamit si YAB. Nataon na naiwan ni YAA ang kanyang cell phone sa tabi ng kanyang laptop noong magkape sila kasama ang ilang kaibigan.

Dahil sa likas na makulit si YAB, noong tumayo para bumili ng kape si YAA, kinuha nito ang cell phone ng kaibigan at nag-browse sa photo albums nito. Laking gulat niya na may ilang photos doon na may kayakap itong guwapong lalaki.

Sa kaka-browse pa ni YAB sa photos ay may nakita pa siya na hinahalikan ni YAA sa pisngi ang guwapong lalaki.

Dahil nga likas na makulit si YAB, pinadala niya ang mga litrato ni YAA kasama ang lalaki sa mga kasama nila sa coffee shop. Noong matanggap ng mga ito ang mga photo, nagtawanan sila at eksaktong pabalik na si YAA sa kanilang table.

Tinanong ni YAA kung bakit sila nagtatawanan at biglang ipinakita ni YAB ang litratong ipinagkalat niya. Dun biglang namutla si YAA at sabay kinuwelyuhan si YAB dahil sa pakikialam nito sa cell phone niya.

Muntik nang magsapakan ang dalawa kung hindi lang daw sila inawat ng mga kasama sa mesa. Malamang ay duguan si YAB dahil sa sobrang galit ng kaibigan sa kanya.

Si YAA na ang nag-delete ng mga litratong ipinadala sa kanila ni YAB sa mga cell phone ng mga kasama nila. Kung ano raw ang gawin niya sa buhay niya respetuhin naman daw nila.

Nag-sorry naman si YAB sa kanyang ginawa dahil akala niya na mate-take nito ang pagbibiro niya tulad nang parati nilang ginagawa.

Sinabi na lang ni YAA na huwag na lang silang mag-usap para wala nang biruan at wala nang pakikialam ng mga gamit ng isa’t isa.

GRUPO NI MACKINTOSH, WALA PANG NAPIPILI SA BAGONG MISS SAIGON

Nakaabot na sa final auditions ng Miss Saigon ang mga Kapuso star na sina Rachelle Ann Go, Aicelle Santos, at Frencheska Farr.     

Sobrang na-impress sa kanila ang team ni Cameron Mackintosh na sina Trevor Jackson, Laurence Connor, Stephen Brooker, at Geoffrey Garratt na dumayo pa sa Pilipinas para personal na makita ang first-ever international auditions para sa Miss Saigon after 23 years.

Nakasama nga rin ng tatlong female singers ang iba pang girls na nag-final audition, sina Apple Chiu, Tanya Manalang, Emerald Banares, and Mary Joy Solomon.

Hindi pa lang klaro kung sino sa kanila ang mapipili para sa revival ng Miss Saigon sa London, England in 2013.

 “We’ve seen nearly over a thousand people in four days (Nov. 19-22); and at various levels, everybody can sing. I’ve never known a country that has so many good singers.

 “Obviously, there’s a wonderful culture of singing here in the Philippines. It’s wonderful to see that amount of commitment, and how much love there is for music,” sabi ni Brooker.

Noong final stage audition na kaharap na ang auditioning panel, pinaawit kina Rachelle, Tanya, Emerald, at Mary Joy ang I’d Give My Life For You. Samantalang sina Frencheska, Apple, at Aicelle ay pinaawit ang The Movie In My Mind.

Wala pang nagagawang final casting pagkatapos ng auditions dahil pag-aaralan pang mabuti ni Mackintosh ang mga performance ng mga babaeng umabot sa final auditions.

AICELLE SANTOS

APPLE CHIU

CAMERON MACKINTOSH

DAHIL

EMERALD BANARES

MISS SAIGON

NIYA

YAA

YAB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with