Ibang-iba na ang hitsura Sid Lucero lumaki na ang tiyan, bilog na bilog ang mukha

MANILA, Philippines - Totoo nga ang balitang napabayaan na ni Sid Lucero ang kanyang hitsura.

Noong premiere night kasi ng Rigodon sa Robin­sons Galleria Cinema last week kung saan kasama ang sister niyang si Max Eigenmann, nandoon si Sid at nakita naming ang laki ng itinaba niya.

Meron na siyang tiyan at bilog na bilog ang mukha. Marami nga ang hindi nakakilala sa actor dahil ang Sid Lucero na kilala ng lahat ay slim ang katawan at hindi bilugan.

Balak naming interbyuhin sana si Sid after the screening para matanong sa kanya kung ano ba ang totoo sa nangyayari sa kanyang pagpapabaya sa career.

Pero bigla na lang itong nawala and obviously ay umiiwas ito ngayon sa media dahil sa malaking pagbabago sa hitsura niya.

Show comments