Marami ang malukis-lukis na industry insiders nang mabalitaan na ang super sikat na aktres ang tumanggap ng highest talent fee sa buong history ng Pinoy entertainment. Sabi, P5 billion ang kanyang kikitain sa kabuuang panahon ng kontratang pinirmahan!
That was really unheard of. At sino naman ang magpapakalukis-lukis na magbabayad ng ganoon kalaking halaga?
Ngayong Kapaskuhan is fast approaching, may dagdag pa sa kuwentong limang bilyon. Kaya raw hindi nagbibigay ang nasabing kompanyang magbabayad nito ay dahil ubos na ang kanilang budget. Ang mga nagdusa, ang lahat ng mga kawani nila. Basta’t plain 13th month pay lang ang dagdag, no more, no less!
Ilang daan o ilang libong mga tao kaya ang hate na hate ngayon ay big star dahil sa kumakalat na balita? Kahit sabihin pang very generous ang aktres, hindi naman niya obligasyon na magbigay ng Christmas bonus sa mga employee.
Kaya pala nakakalimot sa mga dialogue Young actress adik sa cocaine!
Kaya pala tila bipolar ang ugali ng isang young actress, hooked siya sa masamang bisyo.
‘‘Hindi basta drugs ang tinitira niya,” say ng isang make-up artist. ‘‘Coke ang hilig niya ngayon o cocaine.’’
Naku, hanggang maaga dapat na tulungan ang kawawang artista. Ipagamot agad siya at kung kailangan ay ipasok na sa rehab. Baka puwede pang maisalba ang pagkawasak ng kanyang buhay.
Say pa ng isang kasama niya, ‘‘Kaya pala kung minsan ay nakakalimutan niya ang dialogues at hirap na hirap siyang mag-deliver ng linya.’’
DIREK CELSO MAY PANGARAP NA HINDI NATUPAD BAGO NAMATAY
Sa pagkamatay ni Direktor Celso Ad Castillo, nabawasan ang 12 film masters na gagawa ng tig-isang pelikula para sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) film festival next year.
Maaaring ang ipalit kay Celso Kid ay si Laurice Guillen upang magkaroon naman ng kahit isang woman filmmaker sa mga kalahok. Kung mahusay din lang ang batayan, maihahanay naman si Guillen sa lahat ng 11 pang kasali sa film masters festival.
Labis kaming nalungkot sa pagyao ni Direk Celso Ad Castillo. Isa kasi siyang tunay na artista at halos lahat ng kanyang mga pelikula ay maaaring ikarangal na ipalabas sa ibang bansa.
Madalas kaming mag-cover ng mga actual shooting ng kanyang mga obra tulad ng Ang Gangster at ang Birhen, Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak, Madugong Daigdig ni Salvacion, Asedillo, Burlesk Queen, at Virgin People.
Ang kanya sanang pet project na Ang Lalaking Nangarap Maging Nora Aunor, na siya ang bida with the Superstar, ay matagal binalak pero hindi na matuloy. Sa rami ng kanyang natatanging pelikula, qualified si Celso Kid na tanghaling National Artist for film.
Nora at Lovi pinagpupustahan na ang awards
Malakas ang pustahan na sina Nora Aunor ang mahigpit na makakalaban ni Lovi Poe sa best actress at best supporting actress awards sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF). Pareho silang dalawa ang entries sa MMFF. Si Nora, Thy Womb at El Presidente. Si Lovi, Shake, Rattle & Roll 14 at Thy Womb.
Expected na magwaging best actress ang Superstar for Thy Womb. For the same film, si Lovi naman ang malakas na nominee as best supporting actress.
Maging si Ate Guy, thrilled kung mananalo siyang best supporting actress sa El Presidente. Best actress naman ang puwedeng ipanalo ni Lovi sa SRR 14!
Si La Aunor, natatawa lang sa sinasabing friendly competition. ‘‘Mahusay na artista si Lovi at may karapatan naman siyang magwagi ng kahit anong award,’’ sabi ni Nora. ‘‘Ang dasal naming lahat na mga artistang may entries sa festival, sana kumita lahat ng entries. Ito kasi ang magiging batayan sa sigla ng movie industry next year. Kung successful ang MMFF, higit na maraming pelikula ang magagawa sa 2013.”
Jonalyn Viray magkaka-solo concert na kahit kapirasong song number lang lagi kinakanta sa TV
Ilang taon na ba sa showbiz si Jonalyn Viray? Ngayon lang kasi natin nabalitaan na magkakaroon siya ng solo concert. Nasanay kasi tayo na mapanood siya sa TV na kasama ang tatlo o apat pang female singers, sa pagkanta ng tig-kakapirasong song number.
Mapapanood si Jonalyn sa kanyang live concert on Dec. 7, sa Teatrino, Greenhils. Tiyak na maipapakita na niya kung bakit siya tinanghal na isang singing champion.