Kasal nina Katrina at Kris pag-uusapan pa, pagkabinyag sa kanilang anak

 

Sa Jan. 20 na magaganap ang binyag ng baby girl nina Katrina Halili at Kris Lawrence na si Katrence.

Ngayon pa lang ay inaayos na nila ang lahat para walang maging problema. Kahit nga two months away pa ang naturang date, ayaw nang mag-cram ng showbiz couple dahil mabuti na raw ‘yung ayos na ang lahat na kailangan nila para sa simbahan at ang mga magiging ninong at ninang ni Katrence.

“This experience has brought us so much closer. Sobrang hanga ako sa kanya. Hangang-hanga ako sa kanya sa pagiging mommy.

“She’s hands-on. She’s a super mom,” patukoy ni Kris kay Katrina na walang sawang nag-aasikaso sa baby nila kahit pagod na.

Sa Pasko ay sa pamilya ni Katrina sa Palawan muna sila hanggang New Year.

Bihira kasing makadalaw sa Manila ang buong pamilya ni Katrina kaya this Christmas ay sila na lang ang uuwi roon kasama si Katrence.

Nasa US naman kasi ang buong pamilya ni Kris at nag-promise siya na next Christmas ay doon naman sila magpa-Pasko.

Wala namang tutol ang R&B singer kung sakaling balikan na ni Katrina ang showbiz next year. Alam kasi niyang mahal ng aktres ang trabahong showbiz.

“She has expressed to me na sobrang mahal niya ‘yung trabaho niya. So, bakit ko siya pipigilan kung mahal niya ang trabaho niya?

“Whatever she wants to do, I’ll support her. As long as she’s happy, I’m happy,” saad ni Kris.

 Tungkol naman sa pagpapakasal nila, wala pa sa plano nila iyon dahil uunahin muna nila ang binyag ni Katrence.

“Siguro after the baptism na kami makakapag-usap tungkol sa wedding. We have to really sit down and talk about it seriously because it will involve not just the two of us, but our baby as well,” paliwanag pa ng singer-boyfriend ni Katrina.

Max Eigenmann nag-shine sa hubarang pelikula, acting nominations sigurado na

Well-directed and well-executed ang sex scenes sa pelikulang Rigodon, making this the best film na idinirek ni Erik Matti.

Wala sa pelikula ang mahahabang kuwentuhan at long extended shots na walang nangyayari. Dito sa Rigodon, aabangan mo ang mga bawat eksena dahil sa maayos na pagkakasulat ng script at pagkaka-define sa characters ng mga bida na sina Yam Concepcion, John James Uy, at Max Eigenmann.

Hindi nagkamali ang Viva Films sa pagkuha kay Yam bilang Sarah dahil bukod sa maganda ang rehistro sa big screen, mahusay din itong umarte.

Kuhang-kuha nga ni Yam ang pagganap bilang isang insecure, possessive, at selosa na girlfriend na may suicidal tendencies. Wala ring takot na nagpakita ng kanyang hubad na katawan sa mga maiinit nilang eksena ni John James.

Swak din ang kapareha niya bilang si Riki, isang frustrated rea­lity star na hindi sumikat at baon sa utang. Bukod sa pagkakaroon ng asawa at girlfriend, meron pa siyang ibang babae at kung kanino ay meron din siyang anak.

Medyo distracting lang ang sobrang tangos ng ilong ni John James, pero sa paghuhubad ay walang ring kiyeme ang baguhang aktor sa iba’t ibang posisyon ng sex nila ni Yam sa pelikula.

Pero ang pinaka-nag-shine sa buong pelikula ay si Max bilang si Regine, ang overweight misis ni Riki na may bipolar disorder. Pinatunayan ng aktres na isa nga siyang Eigenmann dahil ang dami niyang mga eksena na kahit walang mga dialogue ay naiaarte niya ng buong husay.

Maganda ang pagkakasulat ng role ni Max bilang housewife na may cupcake business. Kino-cover up niya ang lahat ng frustrations niya bilang mother and wife sa kanyang paggawa ng cupcakes. Na pati sa kanyang negosyo ay frustrated siya dahil hindi siya nakakakuha ng maraming order.

Ang husay-husay ni Max sa kanyang breakdown scenes at hindi kami magugulat kung magkaroon man siya ng acting nomination sa Rigodon. Tiyak na maraming kukuha sa kanya dahil sa kanyang husay sa pag-arte pero kailangan lang niyang magpapayat ulit.

Simple lang ang takbo ng kuwento ng Rigodon but it has a strong message about infidelity, dishonesty, and karma.

Show comments