^

Pang Movies

Willie Revillame nag-drama lang, show ililipat lang ng oras!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Drama raw lamang ang sabi’y announcement ni Willie Revillame sa Jan. 5 dahil ilang araw nang kumakalat ang balitang hindi siya aalis sa TV5 para lumipat sa ABS-CBN at GMA Network.

Ang totoo, ililipat lamang ng timeslot ang Wiltime Big Time at itatapat na ito sa Eat Bulaga at It’s Showtime at 12:00 noon.

Aktor inayawan ni Direk, na-realize wala pang kumikitang pelikula

Ayaw pala munang tumanggap ng bagong movie ang manager ng isang aktor dahil gusto nitong ma­ging in character ang image ng kanyang alaga dahil isang malaking project ang gagawin nito sa early 2013. 

May mga project na silang (manager) sinagutan ng aktor pero ayaw niyang gawin at hintayin na matapos muna ang gagawing teleserye. Kaya ang magha-handle sana ng movie project ng actor nag­sabi nang itutuloy pa rin niya ang movie pero iba na lamang ang ku­kunin niyang bidang lalaki dahil ayon daw sa friends niya, wala pa namang ipagma­malaki ang aktor na may kumita na siyang pelikula. In fact, hindi nga siya iginagawa ng pelikula dahil flop naman ang mga nauna nitong ginawa.

Rep. Robes hindi takot kay Imelda Papin

Puwedeng artista ang mag-asawang sina Congressman Arthur at Rida Robes. Si Rida ay dating commercial model at nakapag-guest na rin sa ilang movies kaya lamang nakita nga siya ni Cong. Arthur ng lone district of the City of San Jose del Monte in Bulacan at may dalawa na silang anak ngayon. 

Ang kongresista naman ay matagal nang friend ang yumaong si Rudy Fernandez. Maganda ang working relationship ng mag-asawa dahil si Rida ang chief of staff ng asawa kaya alam din niya ang problema ng siyudad, lalo na pagdating sa lumalaki nilang population dahil sa kanila dinadala ang mga niri-relocate mula sa Manila, Caloocan, at San Juan, Metro Manila.

Busy si Rep. Robes sa kanyang Social Services committee sa Congress at katatapos lamang ng contract-signing event niya ng Ceremonial Memorandum of Agreement sa Department of Social Welfare and Development para sa Pantawid Pamilya Program para sa mga mamamayan ng Region 3: Tarlac, Zambales, Pampanga, Nueva Ecija, Aurora, Bataan, at Bulacan. Isa ring pinoproblema ay ang pagtatapon ng basura sa kanilang lugar mula sa ibang bayan dahil at stake naman ang health ng kanilang mamamayan. Third term na ng congressman sa darating na 2013 elections na makakalaban niya ang singer na si Imelda Papin. 

Kahit si Rida ay kakandidatong mayor sa dara­ting na eleksiyon. Tiyak na makakatulong kay Rida ang kanyang livelihood program para sa mga ma­mamayan nila na gumagawa sila ng mga shopping bag lalo pa at bawal na ngayong gumamit ng plastic bags kapag namamalengke o naggo-grocery. Sapat ang kanilang mga sewing machine at telang inaangkat sa Divisoria para magawa ang dumaraming orders. Mas marami pa silang proyektong gagawin para sa kanilang dumaraming mamamayan.

BULACAN

CEREMONIAL MEMORANDUM OF AGREEMENT

CITY OF SAN JOSE

CONGRESSMAN ARTHUR

DAHIL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EAT BULAGA

IMELDA PAPIN

METRO MANILA

RIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with