Natapos noong Huwebes ang Manila audition ng Miss Saigon. Maraming mga Filipino singer ang sumali sa audition at na-impress sa kanila ang mga audition master.
Sina Karylle, Angeline Quinto, Frencheska Farr, Rachelle Ann Go, Aicelle Santos, at Rita de Guzman ang ilan sa mga kilalang singer na sinubukan ang kanilang kapalaran.
Dalawa sa kanila ang tila malaki ang pag-asa na makapasa, sina Frencheska at Rachelle Ann. Waiting ang dalawa sa e-mail na magsasabi sa kanila kung magiging bahagi sila sa restaging ng Miss Saigon sa West End, London sa United Kingdom.
Joey nagpaiwan ng ilang araw sa London
Nakita ni Papa Joey de Leon sa show ng Eat Bulaga sa London si Jake Ejercito, ang ex-dyowa ni Andi Eigenmann. Ilang araw nang laman si Jake ng mga entertainment column dahil sa mga pasabog niya tungkol sa nagwakas na love affair nila ni Andi.
Ipinalabas kahapon sa Startalk ang recorded audio interview kay Jake at courtesy ito ni Allan Diones, ang reporter na kasama sa entourage ng Eat Bulaga.
By the way, nagpaiwan ng ilang araw sa London si Papa Joey dahil binisita niya ang anak na si Jocas na matagal nang London-based. Naunang bumalik ng Pilipinas sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, at Ruby Rodriguez. Hindi naman nagtagal sa London si Papa Joey dahil nag-report na siya kahapon sa Startalk.
Monique kailangan ng suporta
Hindi lamang ang pag-amin na tomboy siya ang isyu kay Monique Wilson. Pinag-uusapan din ang kanyang rebelasyon na may kanser siya sa dugo.
May pinagdaraanan pala si Monique kaya imbes na batikusin, mas kailangan niya ngayon ang suporta ng lahat dahil sa kanyang karamdaman.
Sen. Bong forever na sa GMA 7
Eleven years nang Kapuso si Sen. Bong Revilla, Jr. Nagbitaw ng salita si Bong na hangga’t mahal siya ng GMA 7, hindi siya lilipat. Sa totoo lang, matagal nang nililigawan ng ibang mga TV network na lumipat sa kanila si Bong pero nag-stick ito sa Kapuso Network. Dinedma ni Bong ang mga tempting offer sa kanya.
Gianna Revilla parang si Lani ’pag nagsalita
Kaboses na kaboses ni Rep. Lani Mercado si Gianna Revilla, ang 17-year-old daughter nila ni Bong na pinasok na rin ang showbiz.
Kung nakapikit ang mga mata natin at nagsalita si Gianna, iisipin natin na boses ni Lani ang ating naririnig. Malaki rin ang hawig ni Gianna sa kanyang mother dear na very supportive sa career niya.