Lumabas ang maikling listahan ng mga bibigyan ng call back sa auditions ng 2013 Miss Saigon revival sa London. Sa mahigit na 400 hopefuls, kasama sa bumalik sa second round si Karylle.
Nakatanggap din ng parehong slip sina Rachel Ann Go, Franchesca Farr, Tippy Dos Santos, Jake Macapagal, K-La Rivera, Cathy, Azanga, Cara Barredo, OJ Mariano, Lawrence Martinez, Julia Abueva at Aicelle Santos.
Halos lahat sila, kahit mga professional theater actors na, kinabahan sa audition, si Rachel Ann nga hindi mapigilan ang panginginig, kapiraso lang ang kanyang kinanta at tapos agad ang pagsubok.
Ang mga Pinoy artists kasi, hindi sanay sa audition, sa ating local stage musical kadalasan meron nang mga leading performers, wala halos dumadaan sa pagsubok.
Sa Miyerkules, Nov 28 ang ikalawang yugto ng mga auditions. A day before Thanksgiving, dahil ang mga Kano at British, holiday ang araw na ito kung saan kasama sa dinner ang roast turkey.
Fans ni Coco nagmamaldita kay Marian
Maraming humahadlang na tagahanga sa pelikulang pagtatambalan sana nina Marian Rivera at Coco Martin for Regal Films. Kaya hindi umuusad ang project, nilalait ng mga fans ng aktor si Marian.
Unfair naman ang ginagawa ng ibang tagahanga. Higit namang big star si Marian kay Coco. Napatunayan na niya ang kanyang staying power ng maraming taon, si Coco, ngayon pa lang sumisikat, matapos magbilad sa mga M2M (men to men) indie film
Konting panahon pa lang ang kasikatan ng lalakeng Nora Aunor at hindi pa natin alam kung magtatagumpay ang mga susunod niyang project. Si Marian marami nang katibayan
Mahirap ang magmataas kaagad, baka biglang bumagsak.
Aktor mahilig mag-recycle pag-pasko
October pa lang nag-iinventory na kami ng mga regalo last Christmas, na hindi naman magamit. Marami pala sa bodega na mga small appliances na puwedenag maging very useful sa aking mga friends and relatives. Ito ang mga meron na akong sariling gamit, kaya’t maaring ipamigay.
Naalala ko tuloy ang isang Madam Curie (kuripot) na aktor sa puwedeng tawaging Recycle King. Karamihan kasi ng pinamimigay niya, mga natanggap rin na regalo, hindi na nga naman siya masyadong gumagasta.
Minsan nga, nabigyan niya ako ng isang signature jacket, na hindi niya alam, ako pa ang nag-gift wrap bago ipadala sa kanya ng aking boss! Nasa cabinet ko pa ang recycled item, na hindi ko gaanong maisuot sa sobrang kapal ng fabric. Hindi naman kasi ako naglalakbay kapag winter.
Tintin expert sa mga mumurahing pang-regalo
Sa rami ng mga Christmas Bazaar, Oktubre pa lang, marami nang mabibiling mga murang gift items, kung nagtitiyagang maglibot. Puwede kayong humingi ng advice kay Tintin Bersola Babao, ang reyna ng mga bazaar.
Tunay na authority si Tintin sa pamimili ng mga regalo at gamit na Pamasko, maging sa ibang okasyon, ang mga contact niya ang mga gumagawa mismo ng maraming bagay o mga direct importers, kaya’t malaki ang matitipid.
Lalo na sa mga nakatanggap na ng bonus o 13th and 14th month pay. Maba-budget ninyo ang konting pera sa tulong ni Tintin Bersola.
JOSE MARI CHAN MINSAN LANG MAGKA-CONCERT
SA ‘PINAS
Abangan ang live appearance ni Jose Mari Chan sa Venice Piazza, Mckinley Hall on Nov. 30, 7:00 pm.
Lahat ng bibili ng Christmas current hit na Going Home To Christmas album bibigyan ng ticket for VIP seats.
Maraming mga foreign shows ni Jose Mari Chan this Christmas season, kaya’t bihira natin siyang makakapiling sa mga ganitong pagkakataon.
Ang Going Home To Christmas na may 22 tracks, 19 of them original, ang isa sa pinakamabiling CD this season.
INDIE FILM PRODU NAMATAY SA AKSIDENTE SA BUS
Condolence sa mga kamag-anak at kaibigan ng indie film producer na si Tony Veloria, yumao sa isang bus accident sa Pangasinan this week. Ang huling pelikulang ginawa ni Tony ay Pusong Gala nang pumanaw na si Mario O’Hara, at ipapalabas sa Cinemanila Film Festival this December.
Kasama sa Pusang Gala sina Gina Alajar, Ricky Davao, Yul Servo at Janice de Belen.