Sikat na artista ayaw pabuko, nag-audition sa Miss Saigon
Sa rami ng mga Pinoy singers na dumagsa sa auditions ng 2013 London revival ng Miss Saigon, dalawa pa lang ang napabalitang binigyan ng callback notice. Pinababalik for another round of tests sina Rachel Ann Go at Franchesca Farr.
Meron na rin experience si Rachel Ann sa stage musical, pero higit siyang kilala as solo love concert artist at recording star. Ang kanyang wide vocal range ay masasabing ideal siya for the role of Kim.
Naging leading lady si Franchesca sa film musical na Emir. Marami na siyang nagampanang nilabasang stage musicals, tulad ni Rachelle Ann, naging champion siya sa reality talent search.
Siguradong marami pa ang pumasa sa auditions, tahimik nga lang sila lalo na ang mga male artists, dahil marami rin ngang roles para sa kanila. Ang iba kasi ayaw pang magsalita, hanggang hindi naibibigay ang final verdict na they made it and would be going to West End, London next year.
Ayon sa isang Pinoy musician na katulong sa pamamahala ng three-day auditions, totoong maraming talentong world class ang ating bansa. Kung puwede lang, karamihan sa kanila maaaring makapasa sa audition. Kaya lang, hindi basta talent ang kailangan.
Gusto ng grupo ni Cameron Macintosh, may tamang attitude ang lahat ng makukuha sa cast ng bagong Miss Saigon. Tinitingnan pa nila ang enthusiasms, ang potential to be a star at ang willingness to learn.
Dagdag pa ng aming souce, marami din naman na walang talagang talent at sintunado pa ang sumusubok at dinadaan na lang sa lakas ng loob at ilusyon.
Sabi pa sa amin : “Aba may kasali sa grupong ito na mga sikat na artista.
Cory Quirino hinihintay umeksena sa Mr. World
Si Andrew Wolf ang kinatawan ng Pilipinas para sa Mr. World na gaganapin sa Kent, Enland on Nov. 24 Friday.
Ang grupo rin ni Cory Quirino ng Miss World pageant ang franchise holder ang nagpadala kay Andrew, na mula sa pamilya ng mga beauty queen, artista at singers.
Buti na lang wala pa kaming nakikitang picture ni Cory Quirino na kasama si Andrew na lumabas sa mga diyaryo, di tulad nang mga nagwagi sa Miss World Philippines na nakabalandra ang mukha niya.
Derek nahilig na rin sa pangingisda
Bilang endorser ng Century Tuna, biglang lumitaw ang hilig sa pangingisda ni Derek Ramsey. Handline fishing lang naman ang kaya niyang gawin at hindi ang mga high-tech method ng pangingisda.
Ang kampanyang kanyang inaanunsiyo, nagkaroon na ng isang handline fishing center sa Pasuquin, Ilocos Norte. Layon ng Century, sa pakikipagtulungan with worldwide environment groups, na magbigay ng suporta sa maliliit na fishermen. Tutulong sa project si Derek, dahil hilig niya talaga ang outdoor sports tulad ng fishing.
Anak ni Lea may ‘tawag’ nang kumanta
Kahit maraming magagandang plano si Lea Salonga para sa kanyang little daughter na si Nicole, mukhang hindi niya mapipigilan na maging sikat na singer ang bagets.
Nabibigyan na ng solo numbers si Nicole sa mga school programs at alam ng international star na ito ang simula sa pagkahilig ng anak niya sa pagkanta. Sa mga narinig ng doting mom na pag-awit ni Nicole, kahit sa phone lang, alam agad ng living legend na handa na ang bata sa pagkanta. Sa harap ng higit na malalaking audience!
GENGHIS KHAN NAGLILIBOT NA
SA BUONG BANSA
Lumilibot na ang restored print ng Genghis Khan ni Manuel Conde sa buong bansa. Matapos ipalabas ito sa Metro Manila, nasa Davao na ang classic film for the Sineng Pambansa, Ikalawang Yugto Festival.
- Latest