Ayon kay Superstar Nora Aunor, nagulat siya na posible siyang ma-nominate sa kategoryang best supporting actress sa Metro Manila Film Festival Awards Night para sa pelikulang El Presidente with Laguna Governor ER Ejercito.
“Nagulat nga ako pero parang mas excited yata ako roon (sa best supporting actress nomination),” natatawang say ng Superstar nang makausap ng entertainment press sa awards night. Nanalo siyang best drama actress ka-tie ni Helen Gamboa.
When asked kung bakit siya mas excited, say niya, “Eh siyempre ngayon lang ako na-nominate ng best supporting actress.”
Pero nominated din naman si Guy sa ganung kategorya sa MMFF pa rin dahil sa entry niyang Thy Womb. Kung sakaling parehong papalaring manalo, double
JERICHO NALIMUTAN ANG GF SA KATARANTAHAN NANG MANALONG BEST ACTOR
Dahil hindi makapaniwala si Jericho Rosales na siya ang nanalong best drama actor for Dahil sa Pag-ibig sa katatapos lamang na 26th Star Awards for TV last Sunday, maikli lamang ang kanyang naging acceptance speech at ni hindi nga niya nabanggit ang current girlfriend na si Kim Jones.
Kaya naman nang makausap namin siya sa backstage after the awards night ay tinanong namin siya kung kanino ba niya inihahandog ang kanyang tropeo.
“Hinahandog ko ito sa lahat ng tao na of course, sumuporta sa show namin, pero sa lahat din ng tao na hirap na hirap magpatawad ng ibang tao. Sila ’yung naging inspiration ko run. Even when I wrote the song, Dahil sa Pag-ibig, doon talaga nanggaling sa show na ’yun.
“At alam naman nating lahat na mahal na mahal ko si Kim Jones,” panghuling sabi ni Echo sabay tawa.
Hindi man niya nabanggit ang girlfriend sa acceptance speech ay ito naman ang una niyang tineks pagbaba ng stage. Dapat nga ay kasama niya ang GF nang gabing iyon pero last minute ay hindi natuloy dahil nagkulang sila sa oras ng preparasyon.
Alfred maraming ni-research sa buhay ni Bonifacio
Aminado si Alfred Vargas na certified fan siya ng ating bayaning si Andres Bonifacio at ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang gawin at i-produce ang pelikulang Supremo na tumatalakay sa buhay ng nasabing hero.
Kahit sa mga stage play noong nag-aaral siya ay hindi ang role ni Jose Rizal ang kanyang pinipili kundi si Gat Andres.
Kahit sa pelikula, pangalawang pagganap na ito ni Alfred sa bayani dahil noong 2010 ay gumawa siya ng pelikulang Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio na idinirihe ng yumaong si Mario O’Hara.
Pero ang nasabing pelikula ay sa trial lang ni Bonifacio nag-focus at dito sa Supremo ay mas malawak na ang scope at say nga ni Alfred, talaga nag-research.
“Sabi ko, since Bonifacio fan ako, I want to tell the story of Andres Bonifacio from the beginning to end. If I get the chance. So, dun na nga nag-start itong idea ng Supremo,” say ng Kyusi councilor.
One year and half in the making pala ang pelikula dahil nga kinakailangan. Ang sumulat ng script ay si Jimmy Flores at ang direktor naman ay si Richard Somes.
Ipalalabas ang Supremo sa Dec. 5 pero magkakaroon muna ito ng red carpet premiere night on Nov. 30 (Bonifacio Day) sa SM Fairview. Sa naturang lugar pinili ni Alfred magkaroon ng premiere night dahil isa ito sa nasasakupan niya bilang konsehal ng Quezon City.