^

Pang Movies

Menor de edad na anak ng celebrity mandurukot na, isa pang kapatid kailangan na ng psychiatrist!

MASA....RAP - Pang-masa

Nahuling nag-shoplift ang bagets na anak ng celebrity sa isang store in the suburbs. Say nila, puro mga masasamang bisyo kasi ang nakikita sa kanyang magulang kaya tuliro na rin ang isip ng menor de edad.

Pati nga ang kanyang kapatid ay meron nang kasong misdemeanor at kailangan din ng psychiatric care tulad ng kanyang nakakabatang kapatid. Kapag ang mga bata ay lumaki sa isang tahanan ng nega ang atmosphere, delikado talaga ang kalalabasan.

Baron bagay sa cast ng Enchanted Garden, nasa cast may split personality lahat

Ang Enchanted Garden, naging hardin ng mga bipolar.

Halos lahat kasi ng main characters sa ecofantasya nag-personality change na. Pati pala ang Inang Reyna (Marita Zobel) ng tatlong Diwani (na sina Alice Dixson, Ruffa Gutierrez, at Rufa Mae Quinto), hindi pala dating mabait. Inagaw lang niya ang Eden sa tunay na reyna, na ginampanan ni Nora Aunor.

Sa tatlong magkakapatid na Diwani naman, naunang naging kontrabida si Ruffa as Valeriana. Sumunod si Rufa Mae na naging kuneho. Ngayon naman si Alice na ang malupit pero dating mabait na ina naman ni Aya o Diwani Olivia (Alex Gonzaga).

Pati nga ang papel ni Zoren Legaspi, nakaranas na rin ng split personality sa palabas. Kulang na lang magbago o magkasayad sa utak ang kanyang anak na si Aya o Diwani Olivia! Sa palabas na ito nababagay si Baron Geisler, na isa raw tunay na bipolar.

Si Michiko o BB Gandanghari ang empress daw ng mga bipolar. Dating mabait na tumulong kay Aya, naging sobrang lupit naman na gustong pumatay sa lahat ng bida.

Baka pati ang mga scriptwriter at directors maging schizophrenic na rin kung makalanghap sila ng tingga, kung labis ang lead content ng plastic flowers and plants na suot ng mga tauhan sa show at nakadekorasyon sa buong set!

Kung sakaling may sobrang lead content nga ang mga artipisyal na bulaklak (ipasuri na ninyo for lead content test), huwag papuntahin sa set si Manny V. Pangilinan (MVP). Malalaking kompanyang may bilyones na puhunan ang pinatatakbo ni MVP at mahirap na pati siya ay maapektuhan.

Jose at Wally, pambansang comic duo na

Marami ng mga homegrown artist ang longest-running daily noontime show na Eat Bulaga na tunay na sumikat at napabilang sa biggest names in showbiz.

Nauna na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon. Si Tito Sen, nahalal pang senador ng two terms. Si Bossing naman ang kasalukuyang Comedy King. Si Joey nakahanay sa mga most-in demand TV comedian/host at nagkaroon na rin ng blockbuster solo-starrers, bukod sa big hits nilang tatlo.

Ngayon naman sinusubaybayan ang success story nina Jose Manalo at Wally Bayona. Mula sa pagiging Eat Bulaga mainstays, naging bida sila sa mga pelikula, ang pinakabago at malapit nang ipalabas ang D’ Kilabots Pogi Brothers… Weh!? They also topbilled a hit live concert at nagkaroon na rin sila ng mga sariling TV show.

Ang puwersa sa takilya nina Jose at Wally, muling mapapatunayan sa opening ng D’ Kilabots on Nov. 28. Sila na nga ang pambansang comic duo.

 

 

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALICE DIXSON

ANG ENCHANTED GARDEN

AYA

BARON GEISLER

COMEDY KING

DIWANI OLIVIA

EAT BULAGA

PATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with