^

Pang Movies

Iniisa-isa ang mga inaway: Willie Revillame kay Randy Santiago naman gustong makipagkasundo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukha ngang unti-unti nang buma­baba si Willie Revillame sa kanyang sa­riling pedestal. Ka­makailan lamang ay nakipagkasundo na siya kay John Es­trada at ngayon si Randy Santiago naman daw ang kanyang hinahanap at gustong makausap.

Aba, talaga namang dapat siyang ma­­kipagka­sun­­­do sa mga dati niyang kai­bigang inaway niya noon panahon ng kanyang kasikatan. Ang iki­na­ga­lit lamang naman niya, noong panahong iyon daw ay kinakausap na niya ang big boss ng TV5 na si Manny Pangilinan para silang tatlo ay magka­roon ng noontime show sa Singko. Eh hindi naman alam ng dalawa, kaya tumanggap ng sarili nilang trabaho.

Kung tutuusin, hindi naman talaga dapat na mag­malaki si Willie kina John at Randy. Noong nag­si­si­mula sila ng kanilang grupo, si Willie ang pina­ka­ba­go at pinaka-walang pangalan sa tatlo. Su­werte nga lang siya dahil siya ang nalagay doon sa segment na pera o bayong, kaya sumikat siya. Si Randy noon ay talagang sikat na bilang singer, samantalang si John ay marami na ring nagawang pelikula bilang comedian.

Tumaas lang naman ang lipad ni Willie nang mag-rate ang kanyang show. Isa sa mga mali niya, kinalaban niya pati network kaya nawala siya.

Nang lumipat naman siya ng network, akala mo diyos-diyosan din ang tingin sa kanya sa kanyang nilipatan. Akala nila ang pa­mimigay niya ng milyun-milyong piso at pati pamasahe sa kanyang studio audience ang siyang susi para makatikim sila ng ratings. Iniwasan na nga nila ang Eat Bulaga dahil alam naman nilang suntok sa buwan na talunin nila iyon. Inilagay na ang show niya sa simula ng primetime sa gabi.

Aba, isipin mong ikaw lang ang ibang format, ikaw na lang ang namimigay ng milyun-milyong piso sa ganoong oras, eh hindi pa siya makadikit sa ratings ng 24 Oras at TV Patrol?

Kung ganyan nga, kailangan na nga siyang bumaba sa kanyang napakataas na pedestal.                       

Katrina kailangan ng mahabang pahinga

Ikinukuwento ng singer na si Kris Lawrence, na ang kanyang girlfriend, ang sexy star na si Katrina Halili ay hands on nanay sa kanilang anak. Dapat lang, talaga namang tungkulin ng isang ina na mag-alaga ng kanyang anak. Kaya nga siya nanay eh. Siya ang nagluwal at mas may karapatan at tungkuling mag-alaga sa kanyang anak. Hindi naman siya napili ng anak niya eh. Wala naman iyong choice, at hindi pa makakaangal kung sakali.

Kung tutuusin, mas mabuti nga kung magpapahinga muna si Katrina sa kanyang career at alagaan ng husto ang kanilang anak. After all, responsibilidad niya iyon at saka hindi naman maganda ang takbo ng kanyang career ngayon.          

Aktor-aktoran gustong mag-hosto sa Macau, pamasahe gusto ipasagot sa starlet na GF

Nagbububusa  ang isang starlet. Isipin mo nga naman, ang boyfriend niyang aktor-aktoran ay gusto raw pumunta sa Macau para maging hosto at kumita nang mas malaki.

Pagkatapos ang gusto pa ng lalaki, ang startlet na dyowa muna ang gumastos para siya makaalis.

vuukle comment

EAT BULAGA

JOHN ES

KANYANG

KATRINA HALILI

KRIS LAWRENCE

NAMAN

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with