Sa presscon ng D’ Kilabots Pogi Brothers… Weh?! ay ’kaaliw si Paolo Ballesteros sa kanyang mga isinagot sa mga tanong ng entertainment press.
Tinanong siya kung hindi ba siya nagagalit kung tawagin siyang bakla?
Pero kahit gay ay naka-apat naman siyang girlfriends at nagkaanak pa nga, ’di ba?
Napakaganda ni Paolo kapag nakadamit siya at naka-makeup bilang babae. Kasama siya nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Juan For All, All For One sa Eat Bulaga at maganda ang rapport ng tatlo. Huling-huli nila ang kiliti ng mga tao.
Samantala, malakas talaga ang karisma ni Jose dahil marami ang nagkaka-crush sa kanya. Takot siya sa babae pero sa pelikula lang ito mangyayari. Nagustuhan kasi niya si Pokwang pero kay Wally Bayola ito nagpakasal.
Nagkagusto sa kanya si Solenn Heussaff at hinahabul-habol nito si Jose pero in the end bumigay na rin siya sa seksing dilag. Nahirapan pa si Solenn nang ilapit ang mga labi niya kay Jose na gumaganap bilang Justin Kilabot.
Mapapanood na ang D’ Kilabots Pogi Brothers…Weh?! sa Nov. 28 at ang premiere night ay sa Nov. 27 sa SM Megamall Cinema 9 mula sa APT Entertainment at M-Zet TV Productions sa direksiyon ng award-winning comedy film na Ded Na si Lolo na si Soxy Topacio.
MAVI na-in love kay Valerie
Kasama rin si Mavi Lozano sa family drama movie na Flames of Love kung saan hindi ito nagpatalbog sa acting kasama ang mga premyadong artista na sina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, at Rep. Lani Mercado. Malaki ang natutunan niya sa mga ito pagdating sa pagganap sa role. Na-in love siya kay Valerie Concepcion sa indie film.
Magaling kumanta si Mavi at tumutugtog ng gitara at siya ang nagbigay ng intermission number sa nakaraang presscon ng Flames of Love.
Personal…
Pasasalamat sa PAG-IBIG Fund (Ortigas, Pasig City) lalo na kay Emy de Asis at co-workers sa accounting department sa pagri-release ng loan ng aking pinsang si Eduardo Osorio. May your tribe increase.