Not meant to be na magtagpo sa Amerika ang female celebrity at ang lover niyang isang commercial model at beterano ng mga bikini contest.
Nagkalayo kasi ang dalawa dahil hadlang si lalaki sa career noon ni female celebrity.
May usapan ang dalawa na magkikita sila sa New York City dahil ilang buwan na silang hindi nagkakasama. Nasa NYC ang lover ni female celeb dahil doon na ito nagtatrabaho.
Nakahingi naman ng bakasyon si female celeb mula sa kanyang manager at nangakong two weeks lang siyang mawawala.
Excited pa naman si female celebrity na mayakap at mahagkan ang lover niya. Noong makarating siya sa Los Angeles Airport para mag-transfer ng flight to NYC, biglang kinansela lahat ng flight papuntang East Coast dahil sa pagdating ni Hurricane Sandy.
One week na kanselado ang mga flight to NYC dahil bukod sa malaki ang damage sa airport ay wala pang kuryente sa Manhattan kung saan naka-stay ang lover ng female celebrity.
Ilang araw siyang naghintay sa LA pero walang way na magkaroon ng communication dahil ultimo telephone lines ay sira.
Kung kelan naman daw papauwi na sa Pilipinas si female celebrity ay nakatanggap siya ng text mula sa kanyang lover. Dumayo pa raw ito sa upstate New York kung saan may kuryente at naki-charge lang ng cell phone sa isang gasoline station doon.
Nanghinayang na lang si female celeb dahil walang naganap sa kanila ng kanyang lover dahil naging hadlang si Sandy!
Rita de Guzman seryosong makapasok sa Miss Saigon
Serious at desidido si Rita de Guzman (na dating Rita Iringan) na mag-audition para sa Miss Saigon.
Nasa tamang edad na raw siya at gusto naman niyang lumawak pa ang kanyang kaalaman sa pag-perform sa entablado bukod sa paglabas sa TV at pelikula.
Inamin ng 17-year-old Kapuso young actress-singer na meron na siyang voice coach para matulungan siya sa kanyang paghahanda sa auditions for Miss Saigon.
“Kapatid po ni Nonoy Zuniga ang voice coach ko. Tinutulungan din po ako ni Miss Kitchie Molina kasi noong sumali ako sa Popstar Kids (grand champion), siya po ang nag-train sa akin.
“Ngayon po, pinag-aaralan ko nang mabuti ‘yung songs na Sun and Moon at ‘yung I Give My Life For You. Sabi kasi ni Direk Mark (Reyes), pagbutihan ko raw kasi susuportahan niya ako.
“Tuwing may taping ako for Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa, kinukumusta ni Direk Mark ang vocal training ko. Gusto niya kasi akong makapasa sa auditions,” sabi ni Rita sa panayam namin sa kanya sa GMA Network Building.
Nalaman nga lang ng teen star ang tungkol sa auditions ng Miss Saigon via Twitter.
“May nag-tweet po sa akin na mag-audition raw ako sa Miss Saigon. Fans ko po ang nagsasabi na mag-try po ako.
“‘Tapos nakita ko rin po sa TV na may announcement na naghahanap sila ng bagong Kim for Miss Saigon. Ang audition po mag-i-start ng November 19 to 22 sa Makati.
“Agad ko pong isinulat sa notebook ko. Sabi ko sa sarili ko, it’s an epic project. Kailangan masubukan ko ito or else baka pagsisihan ko kung hindi ko subukan.
“Ang family ko po todo suporta sila sa gusto kong ito. Iba na raw kasi ito kasi Miss Saigon na ang papasukin kong audition. Kung para sa akin, mangyayari po,” ngiti pa niya.
Habang pinaghahandaan ni Rita ang audition, lumalabas muna siya bilang kontrabida kay Barbie Forteza sa Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa.
Sanay na rin siyang magkontrabida dahil bagay naman daw sa kanya. Nakapagkontrabida na siya kay Bea Binene sa Alice Bungisngis and Her Wonder Walis.
“Yung last series ko po kasi was One True Love at mabait ako roon. Naiiba naman iyon kasi for the first time hindi ako nagtataray. Kikay ako roon sa role ko.