Sharon ipinagtanggol lang ang pamilya pero nagsisisi na pumatol pa sa bashers

Dinaramdam pa rin ni Sharon Cuneta ang naranasang panlalait mula sa bashers sa Twitter dahil hindi niya mapigilang maging emosyonal sa kanyang panayam na ipinakita sa Ang Latest ng TV5 last Saturday.

Sa kuwento niya, inakala kasi ng iba na may pinaparinggan siya sa kanyang mga tweet kaya may isang sumingit ng “move on.”

“Kayo itong hindi maka-move on, nanahimik kami,” sabi ni Shawie. “Kumbaga, nagkabutas. So, parang pinagkaisahan ako. Isa, sasagutin mo kasi masakit eh. Before you know it, ang dami na (na nagti-tweet).”

Pagkatapos noon ay sunud-sunod na raw ang masasakit na tweets kay Sharon at sa kanyang pamilya lalo na nga sa anak na si KC Concepcion.

Kaya naman hindi niya rin napigilang sagutin ang mga tweet.

“Masakit man ’yung mga tini-tweet nila, alam mong mas masakit ’yung nagsisi ako dahil sumagot ako. Para pumatol ako, so, nabigay ko ’yung gusto nila. I felt worse.

“Alam n’yo po, nagsisisi po talaga ako na pinatulan ko ’yung tweets pero siguro naman, after thirty five years, do I deserve to be treated that way? Siguro naman, kahit ten minutes, nakapagbigay ako ng ligaya sa inyo. Konting respeto lang naman,” umiiyak na sabi ni Shawie, ramdam na ramdam ang bigat ng kanyang dibdib.

Muli ay humingi ng dispensa sa publiko si Sharon.

“Pagpasensiyahan n’yo na po ako. Ayaw na ayaw ko nang maulit ’yung ginawa kong nagpaapekto po ako sa mga tweet nila. Ang pagkakamali ko, mahal ko masyado ang mga anak ko. Nakakapagsalita ka ng ayaw mo talagang sabihin kasi awang-awa na ako sa anak ko,” paliwanag ng Megastar.

    Anyway, ngayong Monday ieere ang kabuuan ng mga pahayag ni Sharon tungkol pa rin sa kontrobersiyang ito sa kanyang show na Sharon, Kasama Mo Kapatid.

Kean Cipriano ayaw solohin ang pangalan sa Callalily

Kahit sikat na sikat na at may solo career na, never na iniisip ni Kean Cipriano na iwan ang kanyang bandang Callalily. Para sa singer who’s also a part-time actor, dahil sa bandang ito kaya siya nakilala sa showbiz kaya hindi niya kayang talikuran.

Nakakabilib nga si Kean dahil sa poster ng show nila on Nov. 17 sa Zirkoh Bar, Tomas, Morato, Quezon City we wanted sana na ilagay ang name niya as “Kean Cipriano of Callalily” pero tumanggi ang singer.

Dahilan ni Kean, nakakahiya naman sa kanyang mga ka-banda kung name lang niya ang ilalagay gayong isang buong grupo sila rito.

Kung iba-iba ’yun, baka sila pa ang mag-request ng ganung billing, ’di ba? Because of this, we realized na hindi totoo ang mga bali-balitang nagsi-circulate na kesyo mayabang siya at lumalaki na ang ulo.

Samantala, ang November Best: Taken 2+1, kasama rin ng Callalily ang acoustic singer na si Aiza Seguerra at ang isa sa magagaling nating stand-up comedians na si Kim Idol with guests Lemuel Santos, Arthur Pangilinan, Rosimae, LS Band, and Vice Suhayon.

Show starts at 10 p.m. For tickets, you can call 0917-8138266.

Bea nagalingan, pagka-bading ni Zanjoe hindi nawala

Puring-puri ni Bea Alonzo ang boyfriend na si Zanjoe Marudo sa role nito bilang gay sa pelikulang 24/7 In Love na handog ng Star Cinema bilang selebrasyon sa 20th anniversary ng Star Magic.

Unang pagsasama ito nina Bea at Zanjoe sa pelikula at isang beses pa lang silang nagkasama sa TV sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya. Say ng aktres, bumilib siya sa boyfriend sa acting nito sa movie.

“Ang galing-galing niya sa isang eksena, doon sa isang emotional scene,” say ni Bea. “I was expecting, somehow, mawawala ’yung pagka-bading, dahil sariling emosyon mo na ’yung papaganahin mo. Pero siya, hindi nawala ’yung pagiging bading niya, ’yung karakter niya, kahit emotional na siya.”

Sa 24/7 In Love ay sila ang magkapareha bilang mag-best friend at ang karakter ni Bea ang na-in love kay Zanjoe kahit bading ito. The movie is showing on Nov. 21.

 

Show comments