Sikat na celebrity na nagbukas ng negosyo malaki ang utang sa supplier ng mga ibinentang damit, pabango, etc.!
Isang sikat na celebrity ang nag-sideline ng pagtitinda ng mga damit, pabango and other toiletries, at iba pang goods na made in USA. Wala naman pala siyang inilabas na puhunan. Isang mayaman niyang kaibigan ang nagpapadala ng mga paninda at idi-deposit na lang sa bank account ng supplier dito sa ating bansa ang lahat ng dapat bayaran.
Kauuwi lang ng balikbayan at nagulat siya na kahit piso ay walang nailagay sa kanyang account sa loob ng isang taon. Malaking halaga na ang na-accumulate na pera galing sa mga paninda kaya’t naging problema ito ng celebrity.
Sinisingil siya ngayon ng kanyang supplier at wala siyang mailabas na bayad. Say ng mga close sa beki, tiyak na pinuhunan ang lahat ng pera sa isang negosyong binuksan, kaya’t puwedeng maghabla ang balikbayan upang maging part owner din siya sa nasabing bagong business ng artista.
Isang network ayaw mag-cooperate sa PMPC
Higit na umiinit ang speculations ng mga magiging winner sa Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for TV 2012, habang papalapit na ang inaabangang gabi para sa TV industry sa Nov. 18, Linggo, sa Irwin Theater ng Ateneo de Manila University.
Ang mga televiewer mismo ang tila nakakatiyak na nagsasabing hahakot ng tropeo sa Star Awards for TV ang teledramang Walang Hanggan.
Sa mga sumubaybay sa teleserye pa lamang, baka mapuno na ang mga manonood ng live proceedings produced by Tess Celestino Howard’s Airtime Marketing. Lahat sila gustong masaksihan ang finale ng overwhelming success ng Walang Hanggan sa Star Awards for TV.
Ito kaya ang dahilan kung bakit nabalitang ayaw mag-cooperate ang ibang network sa taunang parangal? Hindi naman kami naniniwala sa ganitong paninira. Every year kasi nararanasan ng PMPC ang wholehearted cooperation ng mga taga-TV industry kaya naman laging inspired ang PMPC voting members na pumili ng karapat-dapat manalo.
Ang lone male host ng awards night ay si Aga Muhlach. Dalawang sikat na artistang babae ang makakasama niya. Hindi pa nga lang maaaring sabihin dahil hindi pa sigurado na sila na nga ang magiging co-hosts ng aktor.
Lirio Vital nangampanya’t kumanta sa partido ni Obama
Ang kuwento ng friends namin sa USA, naging aktibo si Lirio Vital sa presidential election campaign. Siyempre sa kampo siya ng re-elected President Barack Obama tulad ng karamihan ng mga Pinoy doon.
Talagang sumama si Lirio sa campaign sorties at kung minsan ay kasama pa siya sa mga nagbigay ng musical numbers lalo’t sa mga lugar na maraming Fil/Am voters.
Direktor ng indie film ’di maalala ang pangalan nang kinuhang bidang babae
Last shooting day na ng Noli Me Tangere indie film sa Lunes. Tinapos ni Direktor George Vail Kabristante ang pelikula sa Nueva Ecija. Kahit nasa homestretch na sila sa paggawa ng ambisyosong project, nagulat kami na hindi alam ni George Vail ang pangalan ng gumanap ng Maria Clara.
Matagal nag-isip ang scriptwriter/director pero hindi pa rin niya ma-recall ang name ng newcomer na bida sa pelikula.
‘‘Basta she is a young, lovely newcomer na gaya talaga ang papel na Maria Clara,’’ ang tanging nasabi niya sa amin.
Isa pang baguhan si Alex Castro, ang pumapel na Crisostomo Ibarra. Ang mga natipid nila sa pagbabayad ng matataas na talent fee, kung mga sikat na artista ang kinuha, tiniyak naman ni George na sa production values naibigay.
- Latest