‘Maloloko mo pa ba ang mga tao?’ Robin tinawanan ang rason ni Aljur na priority ang career pero mahal si kylie!

Bongga ang career ni Robin Padilla ngayon dahil busy siya sa rami ng kanyang showbiz projects. Anniversary na ng kanyang Toda Max sitcom sa Kapamilya Network at kasalukuyang nagti-taping din siya ng Kailangan Ko’y Ikaw na pinagbibidahan nila nina Kris Aquino at Anne Curtis. May isa rin siyang pelikula na tinatapos under his own production, tentative title nun ay Kuratong Baleleng pero papalitan pa nila ang pamagat.

Samantala, nahingan din ng reaksiyon si Binoe tungkol sa pakikipagrelasyon ng kanyang dalagang anak na si Kylie sa Kapuso hunk actor na si Aljur Abrenica. Balita kasing naghiwalay pero nagkabalikan din daw ang dalawa. May alam ba siya?

 “Hindi ko alam. May ganyan ba? Eh kasi hangga’t hindi naman nagsasalita si Kylie, parang napaka-awkward naman. Parang napaka-tsismoso naman ng dating ko,” sagot ni Robin regarding sa issue.

Totoo bang against siya sa pakikipag-relasyon ng anak sa guwapong aktor?

 “Meron ba namang hindi boto sa hindi inaamin ang anak mo? Ikaw naman…,” sagot ng action star.

Hindi kaya ang kinukunsidera lang pareho nina Kylie at Aljur ay ang mga career nila kaya hindi pa sila umaamin?

“Eh huwag kayong umibig! Kalokohan ’yun.

“Unang-una, Muslim kami. Ako ba, may iniintin­ding career kapag gusto ko ang isang babae?” saad niya.

Hindi ba magkakaroon ng conflict ang pagiging hindi Muslim ni Aljur?

“Ah, dapat siyang mag-aral ng Islam kung talagang serious siya,” diretsong sagot ni Robin.

Kinakausap ba niya si Kylie sa mga ganitong bagay?

“Siyempre. Hindi naman ako nagkukulang.

“Si Aljur, kung totoong ano ’yan, kailangang mag-aral siya. Sabi naman ni Aljur, noong kinausap ko siya, handa naman siyang mag-aral.

 “Siyempre, nakakatawa lang na nagmamahalan kayo, priority mo ang career. “What?! Sana kung hindi ako artist,” pahayag ni Robin.

Siya, love talaga ang priority?

“Ganun ’yun! Ang tao kasi hindi na mababaw,” sabi pa ng aktor. “Maloloko mo pa ba ang mga tao?”

Si Kylie ba ay isinasabuhay ang pagiging Muslim?  

 “Si Kylie, well-versed ’yan. Pero noong nag-eighteen siya, kanya na ’yan. Siyempre, there’s no compulsion in religion—walang pilitan,” sagot ng action star.

Ano na ang relihiyon ni Kylie ngayon?

“Ewan ko sa kanya. Sasabihin niya Muslim. Kapag tinanong mo, Muslim. Muslim siya.

“Pero ako, kaming lahat, hindi kami nagkukulang sa kanya ng paalala. Tulad nga ng sabi ko, walang pilitan. Sagot mong lahat ’yun,” sabi ni Robin.

              

Show comments