Hinuhulaan na baka hindi tumagal ang career ng isang bastos na aktor paglampas ng 2013. Palibhasa’y conscious ang artista na kaya lang siya sumikat ay dahil sa tulong ng isang infuential bading, kaya lagi siyang aloof sa mga nag-i-interview sa kanya.
Kahit kinukumusta lang ng writer, pabalang ang kanyang tugon na, ‘‘Ano ba sa tingin mo?’’
Kapag may naglakas-loob namang tanungin ang nababalitang romansa with a co-star, ang defiant niyang sagot: ‘‘Wala kang pakialam.’’
Bihira lang naman sumulpot sa eksena ang mga artistang garapal ang pagka-maldita. Talagang hindi naman sila nagtatagal sa showbiz. Mabuti pa, mag-ipon siya ng husto habang malakas ang kita. Para naman hindi siya pulutin sa kangkungan kapag nalaos agad.
Aktor nasukat ang laki ng sandata sa ginagawang indie film
Closed-door ang tagpong nadatnan namin nang magpasyal sa set ng Tagos sa Laman noong Linggo ng madaling-araw. Involved sa intimate scene sina Cloyd Robinson at young actor na si Rain Soliman.
Puwede naman kaming tumigil sa saradong kuwarto, kung saan ang dalawang aktor at cameraman man lang ang nasa loob. Pinili naming lumabas agad nang mag-take. Hubo’t hubad kasi si Rain na nakaharap kay Cloyd na nakabukaka sa kama. Frontal nudity ang young actor pero kay Cloyd siya nakaharap. Likod lang niya ang nakunan ng camera.
After the take, labas agad sa kuwarto ang beteranong actor/director at gulat na gulat na sinabi sa amin: ‘‘Ang laki-laki pala ng kay Rain!’’
Last shooting day na ni Direk Lando Jacob that evening, kaya paspasan ang pagkuha ng mga dramatic scene. Sa ilang tagpo, walang dialogue ang mukhang Italyanang actress/producer na si Elona Mendoza. Pero masagana ang pag-agos ng kanyang luha. Baguhan pa lang, mahusay nang mag-emote.
Isang confrontation scene naman nina Cloyd at Lando Jacob ang susunod. Higit pang nadala ito sa eksena nina Bette Davis at John Crawford sa Whatever Happened to Baby Jane. Magkapatid na mga gurang na beki ang papel ng dalawa.
Ang hahaba ng linya at nakakasikip ng dibdib ang intensity. Pagsigaw ng cut, parehong nanghingi ng maiinom na tubig nang sumakit ang mga dibdib.
Marami pang nakakaintrigang eksena ang nakunan — ang biglang iniluwa ng dilim na si Elona na nakasilip sa sirang T-shirt ang malusog na dibdib. Ang seduction scene sa gilid ng gate between Rain and Lando. Pang mature audience talaga!
Maging madugo na ang mga sumunod na tagpong kukunan, kaya umuwi na kami para maiwasan ang karahasan.
Dorm Boys napasok ang SM Cinema
Tiyak na maganda ang Dorm Boys ni Armand Reyes dahil ipapalabas ito sa mga SM Cinema. Bihira kasi sa mga indie film ang nakukuha ang malaking mga sinehan sa nasabing mall.
Meron pang advance screening ang Dorm Boys bukas, Nov. 6, sa SM Megamall Cinema 2. Mabibili na doon ang tiket na P150 lang. Magsisimula ang regular playdate sa Miyerkules, Nov. 7, sa maraming sinehan ng mga SM malls.
Ang sabi sa amin ni Direk Armand, posibleng maging kalahok ang Dorm Boys sa mga international film festival.
Viva hinihilera na ang malalaking stage musicals
Early this year pa natin nabalitaan ang pagsasanib-puwersa ng Viva Entertainment at Atlantis Production. Pati mga stage musical, pinasok na rin ng Viva. Recently lang tuluyang nabuo ang Viva Atlantis Productions.
Tatlong malalaking musicals agad ang kanilang ipapalabas sa 2013 bilang bahagi ng grand launch ng bagong kumpanya. Meron pang tinatapos na Pinoy original stage musical, ang Bongga, na sinusulat ng grupong Hotdog at puwedeng maipalabas sa 2014.
Maraming singing stars sa Viva Records kaya’t pati sila ay maaaring maging bida sa mga stage musical next year.