Alden araw-araw kinakausap ang abo ng nanay

Magkasama pa rin sa isang GMA Regional show ang magka-love team na sina Alden Ri­chards at Louise de los Reyes today sa Legaspi City in Bicol. Dahil overnight sila, bukas na, Nov. 1, sila ma­kakabalik sa Manila.  Pero hindi naman nagwo-worry si Alden na mahihirapan siyang pumunta ng cemetery dahil ang ashes ng mommy niya ay nasa isang urn sa altar sa kanilang bahay. 

Five years nilang ilalagay muna sa bahay ang urn at next year, sa ika-fifth year nito, ililipat na nila sa isang safe place. Every day ay kinakausap pa rin niya ang mommy niya lalo na kapag may mga magagandang nangyayari sa buhay niya at lagi niyang sinasabi rito na lahat ng mga ginagawa niya at tagumpay ay iniaalay niya sa ina.

Biniro si Alden ng mga kausap niya sa pocket interview   kung dadalawin din ni Tisoy si Elize sa libingan nito. Oo raw naman, hindi puwedeng makalimutan ni Tisoy si Elize, ang mga characters nila ni Louise sa One True Love: The Second Chance na kasalukuyang napapanood every morning after ng Kusina Master at bago ang Cielo de Angelina.  

Ayon kay Alden, may surprise sila sa mga fan nila ni Louise dahil magkakaroon sila ng reshoot kay Direk Andoy Ranay ng bagong ending ng soap na maraming na-disappoint.

Sa November na magsisimulang mag-record ng debut album niya si Alden sa Universal Records under Ito Rapadas.  Sa Nov. 10 naman lalabas ang first shampoo commercial nila together ni Louise. Busy din siya sa shooting ng dalawang festival movie na Sossy Problems at Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako. 

Sen. Koko ayaw sa zombies

Last day of registration ngayon para sa coming May 2013 elections at sana napanood ninyo ang zany zombie in witty TV commercial na ginawa ni Sen. Koko Pimentel at ipinalalabas na rin sa YouTube na nagpa-register ang isang zombie. Reminder niya ito sa cheating sa eleksiyon.  

“Zombie votes, pandaraya ’yan! ’Pag hindi ka nagparehistro, parang nagpadaya ka na rin ’di lang ng mga buhay kundi ng mga zombie voter din. Use your kokote, register and vote well. Kundi, patay, nadaya na naman ang Pilipinas,” panawagan ng senador.

Magic ni Mario masusubukan na

Simula na ngayon ng nationwide showing ng Suddenly It’s Magic at malalaman kung may magic ang pagtatambal ng Thai superstar na si Mario Maurer at ng Philippine sweetheart na si Erich Gonzales for Star Cinema. 

Muling bumalik sa Pilipinas si Mario para mag-promote ng movie na kinunan ni Direk Rory Quintos ang mga eksena sa Thailand at Pilipinas. Kasama rin sa movie si Joross Gamboa, Guji Lorenzana, Joy Viado.

Show comments