^

Police Metro

VP Sara binalaan si Duterte: Matutulad ka kay Ninoy Aquino Jr.

Mer Layson, Gemma Garcia - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
VP Sara binalaan si Duterte: Matutulad ka kay Ninoy Aquino Jr.
Vice President Sara Duterte faces the media at the headquarters of the Office of the Vice President, hours after holding a thanksgiving lunch with them, Dec. 11, 2024.
Philstar.com / Martin Ramos

MANILA, Philippines — Maaari siyang matulad kay Benigno “Ninoy” Aquino Jr. kung ipipilit niyang bumalik sa Pilipinas.

Ito ang naging babala ni Vice President Sara Duterte sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pagtitipon ng kanyang mga tagasuporta sa The Hague, Netherlands, sinabi niyang paulit-ulit siyang tinatanong ng kanyang ama kung kailan siya makakauwi, dahil nais nitong ma­ngampanya bilang alkalde ng Davao City.

“At ‘yon ang gusto niya, gusto niyang umuwi. Sinabi ko rin sa kanya ‘yon, ‘Pa, sabi ko ‘yung kagustuhan mo na umuwi, iyan din ‘yung katapusan ng buhay mo, magiging Ninoy Aquino Jr. ka,” kwento ni VP Sara.

Si Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa The Hague dahil sa utos ng International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga kasong crimes against humanity na may kinalaman sa madugong war on drugs, ay tumugon naman ng, “Kung ganyan ang kapalaran ko, so be it. Basta lang mauwi ako sa Pilipinas”.

Samantala, tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na hindi dapat mangamba sa seguridad ang dating Pangulong Duterte.

Ayon kay Palace Press Officers Undersecretary Atty. Claire Castro, nagtataka sila kung saan nanggagaling ang mga ganitong kwento o banta sa buhay ng da­ting pangulo at walang katotohanan ang pahayag ng Bise Presidente.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with