^

PM Sports

Solomon humataw sa panalo ng NU

Nilda Moreno - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Gumarote sa dikdikang labanan si Alyssa Solomon para akayin ang defen­ding champion National University kontra University of Sto. Tomas, 23-25, 25-17, 19-25, 25-18, 15-9 sa UAAP Season 87 wo­men’s volleyball tournament na nilaro sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Winalis ng Lady Bulldogs ang lahat ng nakatunggali sa first round kaya naitarak nila ang malinis na pitong panalo at manatili sa tuktok ng team standings.

Nahirang na Best Pla­yer of the Game ang 6-foot-2 opposite spiker na si Solomon matapos ilista ang 24 points mula sa 21 attacks at tatlong blocks. 

Nalagay sa alanganin ang Lady Bulldogs nang malamangan sila ng isang set ng Golden Tigresses pagkatapos ng third frame.

Naging mabalasik ang NU sa fourth set sa pa­ngunguna ni Solomon kaya naman nakahirit sila ng deciding fifth set.

Hinarurot naman ng Lady Bulldogs ang kaagahan ng fifth frame, lumamang agad sila ng tatlo (3-0) bago inilayo sa apat, 11-5 mula sa matikas na hataw ni Solomon.

Nalasap naman ng Golden Tigresses ang pangalawang talo sa pitong laro.

 Samantala, dumaan sa butas ng karayom ang University of the Philippines bago nasilo ang 25-15, 15-25, 24-26, 25-22, 15-10, panalo kontra Adamson University sa unang laro.

Nagsanib puwersa sina Nina Ytang at Irah Anika Jaboneta upang akbayan ang Lady Maroons sa pagkalso ng four-game losing streak at ilista ang 3-4 karta.

Tumikada si Ytang ng 20 points mula sa 15 spikes, tatlong blocks at dalawang service aces habang 19 ang binakas ni Jaboneta para sa UP na tumagaktak ang pawis dahil inabot ng dalawang oras at 25 minuto ang kanilang labanan.

Maliban sa pagsolo ng No. 5 spot sa team standings ay sinalto rin ng Lady Maroons ang record-breaking performance ng super rookie ng Adamson na si Shaina Marie Nitura.

Humataw si Nitura ng bagong UAAP record na 38 points.

Nalasap ng Lady Falcons ang pang limang talo sa pitong laro. 

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with