Gilas paghahandaan ang 3rd window
MANILA, Philippines — Inaasahang paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang third window ng FIBA Asia Cup Quailiers na parehong idaraos sa labas ng bansa sa Pebrero.
Pakay ng Gilas na walisin ang dalawang laban nito kung saan makakasagupa ng mga Pinoy cagers ang Chinese-Taipei sa Pebrero 20 sa Taiwan kasunod ang Tall Blacks na gaganapin naman sa Auckland, New Zealand sa Pebrero 23.
Alam ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na matinding laban ang kanilang haharapin lalo pa’t papabor sa mga kalaban nito ang home crowd.
“The two away games we are going to have in February is going to be the toughest part of this window. Two toughest teams and both on the road,” ani Cone.
Importante ang laban ito para sa Chinese-Taipei na kasalukuyang nasa ikatlong puwesto tangan ang 1-3 rekord.
Nangunguna ang Gilas Pilipinas na may malinis na 4-0 marka kabuntot ang New Zealand na may 3-1 kartada.
Nasa ikaapat na silya ang Hong Kong (0-4).
Nakasigurado na ng tiket ang Pilipinas at New Zealand sa FIBA Asia Cup proper na gaganapin sa Agosto.
- Latest