Reyalidad ng buhay
January 1, 2025 | 12:00am
- Huwag mong maliitin ang mga taong walang imik. Ang taong tahimik ay mas maraming naoobserbahan at natututunan kaysa mga taong madaldal. Sila ang matatalino pero hindi pinahahalata.
- Kung late dumating ang imbitasyon, (ilang linggo bago ang petsa ng event) tanggihan mo ito. Malaki ang tsansa na hindi ka bahagi ng kanyang orihinal na plano at naging pansingit ka lang sa mga taong orihinal na kasama sa guest list pero hindi available sa petsa ng event. Ang pagpapadala ng imbitasyon ay ginagawa ng maaga: two months bago ang petsa ng event upang matantiya ang dami ng pagkaing ihahanda at size ng venue na pagdadausan ng party.
- Huwag ikumpara ang sarili sa ibang tao dahil iniinsulto mo lang ang sarili mo.
- Ang pagiging makakalimutin pero bata pa ay senyales ng katalinuhan.
- Mahina ang ulo at karakter ng lalaking itsinitsismis ang kanyang girlfriend/asawa sa ibang babae.
- Huwag maniwala sa lahat ng naririnig mo. Ang isang istorya ay may 3 bersiyon: Bersiyon mo, bersiyon nila at bersiyon ng katotohanan.
- Hindi tanga ang mababait na naabuso ang kabutihan. Nasa isip lang nila ay may mabubuting puso ang lahat ng tao.
- Ano ang pinakamabilis at pinakamahirap na gawin sa mundong ito? Mabilis makita kung ibang tao ang gumawa ng kamalian ngunit nahihirapang makita kung tayo mismo ang gumagawa ng kamalian.
- Ang pakikipagrelasyon ay parang electric current. Kapag mali ang koneksiyon, magdudulot ito ng shock habang buhay ngunit kung tama ang koneksiyon, magiging maliwanag at maaliwalas ang iyong buhay.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Recommended