^

Bansa

NBI: Mga taong tumulong sa pagtakas ni Guo tutukuyin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
NBI: Mga taong tumulong sa pagtakas ni Guo tutukuyin
Alice Leal Guo (L), former mayor of Bamban in Philippine's Tarlac province accused of human trafficking and links to Chinese organized crime, answers questions during a press conference in Manila on September 6, 2024, after being deported following her arrest in Indonesia on September 3. Alice Leal Guo, a former mayor of a town north of the capital Manila, has been on the run since she was linked to a Chinese-run online gambling centre where hundreds of people were forced to run scams or risk torture.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) upang matukoy kung sinu-sino ang mga taong tumulong kay dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo upang makatakas ng Pilipinas noong Hulyo.

Sa kanyang pagdalo sa MACHRA Balitaan ng Manila City Hall Reporters Association (Machra) sa Harbor View sa Maynila kahapon, tiniyak ni NBI Director Jimmy Santiago na hindi rin sila naniniwalang walang Pinoy o opisyal na kasabwat si Guo upang makalabas ng bansa.

Hindi rin aniya nila sinasabing mula ito sa Bureau of Immigration (BI).

Paliwanag niya, “Remember, nakalabas siya, backdoor ‘yun oh established ‘yun backdoor, hindi dumaan sa immigration point.”

Inaalam na rin ng NBI kung bukod kay Guo, ay may mataas pa bang opisyal na sangkot sa POGO.

“Sabi ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na merong mga nagpoprotekta sa kanya, maaaring government official nga­yon, siyempre ho sukob na si Alice kaya sinabi nga ni Alice na may tumatawag sa kanya sa telepono na patatahimikin siya para huwag nang kumanta,” pahayag pa ng NBI chief.

Paniniguro pa ni Santiago, hindi rin nila ipinagwawalambahala ang umano’y banta sa buhay ni Guo.

Samantala, nagpaliwanag din si Santiago at mu­ling humingi ng paumanhin hinggil sa pagpapa-selfie ng kanyang mga tauhan nang sunduin nila si Guo mula sa Indonesia upang iuwi sa Pilipinas.

Tiniyak niya na ire-reprimand ang mga ito at hindi na muli pang mauulit ang naturang pangyayari.

vuukle comment

MAYOR

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with