^

Punto Mo

Interpol Red Notice, mag-asawang estafador natiklo ng CIDG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

DAHIL sa Interpol Red Notice, ang couple na wanted sa kasong estafa at syndicated estafa ay inaresto ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group sa NAIA Terminal 1 sa Parañaque City noong Miyerkules. Interpol Red Notice na naman? Dipugaaa!

Sina Cerrone at Marve Posas, ng San Juan Village, Bangkal, Davao City ay dinakip ng mga tauhan ni CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre III matapos mag-disembark sa eroplanong galing Thailand, kung saan sila ay inaresto dahil sa kasong overstaying.

Ayon kay Torre, ang mag-asawang Posas ay nakaharap sa 190 at 155 arrest warrants sa kasong estafa, syndicated estafa at Interpol Red Notice. No bail ang inirekomenda laban sa mag-asawa, ani Torre. Araguyyyyy! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ang Interpol Red Notice mga kosa ay bukambibig na ng mga Pinoy ngayon dahil sa trip ni Tatay Digong sa ICC sa The Hague, Netherlands sa kasong crime against humanity. Si Torre rin ang bida dito. Teke, teka, happy 80th birthday muna kay Tatay Digong.

Habang mainit pa ang isyu, lalo na’t magkakaroon ng protest rally ang mga galit na supporters ni Tatay Digong ngayon, hindi naman nagpapahinga ang mga bataan ni Torre sa kanilang iba pang trabaho. Anong sey n’yo mga kosa?

Ayon kay CIDG spokeperson Maj. Helena Cruz, may reward na P950,000 para sa pag-aresto sa Posas couple. Kaya lang, tulad ni Tatay Digong, inaresto sila sa pagbalik nila sa Pinas, matapos i-deport ng gobyerno ng Thailand. Ang sakit sa bangs nito!

Ayon kay Torre, si Cerrone ay presidente at chairman ng Organico Agribusiness Ventures Corporation in the Philippines, ang kompanyang nag-ooperate ng Ponzi scheme, kung saan ang ma-invest na pitsa at pinapaikut-ikot lang.

Para maganyak ang mga Pinoy sa sumali sa kanilang negosyo, pinangakuan ni Posas ang kanilang mga investors ng “double-your-money” scheme. Parang pyramiding scheme lang, ano mga kosa?

Ang paboritong linya ni Posas ay ang pag-offer ng biik sa mga Pinoy sa halagang P3,600 kung saan magiging P7,000 ang presyo nito pagdating ng tatlong buwan. Eh di wow!

“The company also utilized crowdfunding to offer shares,” ani Torre. Sanamagan! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa! Mismooo!

Sinabi pa ni Torre na si Cerrone ay may negosyo rin sa Thailand, kung saan umaakto siyang managing director ng Era Phetchaburi, na isang commercial real estate agency.

Kaya lang, nitong Pebrero 2025, ang mag-asawa ay inaresto ng Royal Thai Police at Immigration officers sa kanilang bahay sa Phetchaburi, Thailand matapos ma revoke ang kanilang permiso na manatili sa naturang bansa. Malaking papel din ang ginampanan ng Interpol Red Notice. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa pagkahuli sa mag-asawang Posas, pinapurihan ni Torre ang CIDG Southern Field Office, CIDG Anti-Organized Crime Unit, PNP Aviation Security Group, Bureau of Immigration, Interpol NCB Manila, at Philippine Center on Transnational Crime.

Ang Posas couple ay nakaharap ng arrest warrants sa mga korte sa Cebu, Davao, Tacloban at Quezon City. Maganda talaga ang coordination ni Torre sa Interpol, ‘no mga kosa? Walang kokontra ha? Dipugaaa! Abangan!

INTERPOL RED NOTICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with