GoTyme Bank tutulong sa PH football team
MANILA, Philippines — Nakipag-ugnayan ang GoTyme Bank sa Philippine Football Federation (PFF) upang tulungan ang national football team sa kanilang pagsali sa iba’t ibang international compettions.
Inamin ni GoTyme Bank president at chief executive officer (CEO) Nate Clarke na siya ay matagal ng nagsubaybay sa football kaya napili nila ang sports na ito na maging bahagi sa pamilya ng GoTyme bank at gusto niyang matululungan ang larong ito upang magtagumpay sa kanilang harangin na mapalakas ang ating bansa sa Southeast Asia at sa Asian region.
“I am a big fan of football and this sports is the biggest in the world with too many followings throughout the world,” sabi ni Clarke sa launching ng kanilang ugnayan na ginanap kahapon sa The Westin Hotel and Residences sa Makati.
Ang unang hakbang sa kanilang ugnayan ay ang pagdaraos sa GoTyme Bank Cup na balak nilang gawing premier football tournament na sasalihan ng men at women Philippine national teams laban sa mga koponan ng South Africa, Vietnam at Singapore.
- Latest