Kim, ‘di nagpakabog sa bashers!

Ang bongga naman ni Kim Chiu na sa kabila ng pamba-bash sa kanya ay dinumog pa rin daw ng mga tagahanga niya ang isang mall show para mag-promote ng pelikula nila ni Paulo Avelino.
As in siksikan daw ang mga ito hanggang sa taas na floor ng mall.
Hindi rin pwedeng sabihing edited dahil merong mga video na makikita ang dami ng tao.
Balewala pala ang panakot na boycott kay Kim ng mga DDS o mga tagasuporta ni dating presidente Rodrigo Duterte dahil sa pambibintang sa kanya na pinasaringan niya si Digong.
Agad namang itinanggi ni Kim iyon pero ayaw pa rin siyang tantanan ng mga ito.
Pero pinatotohanan ng fans niya na kaya nilang talunin ang mga DDS.
At ang bongga na hindi lang daw pala isang mall iyon kundi tatlong magkakaibang mall sa isang araw sa Cebu pero lahat iyon ay dinumog talaga sila.
Naku sampal iyan sa mga basher niya noh.
Ang bongga ni Kim na dedma lang naman lagi sa mga iyon.
Sana kumita ang pelikula nilang My Love Will Make You Disappear dahil iyan ang kailangan ng industriya natin ngayon.
Tama ‘yan, Kim, huwag paapekto sa bashers.
Deserve mo ang lahat ng blessings.
Good luck sa pelikula ninyo ni Paulo na hindi ko maalala ang buong title.
Hahaha.
- Latest