^

Punto Mo

Photographer at model, nakapagtala ng world record matapos mag-photoshoot sa ilalim ng karagatan!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA tulong ng isang ­diving expert, nahigitan ng Canadian photographer na si Steven Haining at model na si Ciara Antoski ang kanilang sariling Guinness World Record matapos silang magsagawa ng photoshoot sa lalim na 163.38 feet underwater malapit sa Florida.

Una nang naitala nina Haining at Antoski ang record noong 2021 para sa titulong “Deepest underwater model photo shoot” sa lalim na 21 feet.

Subalit sa kagustuhang higitan ang sariling record, dumaan sila sa ilang buwan ng masusing pagsasanay, kabilang ang technical diving, gas blending, at decompression techniques.

Ang makasaysayang photoshoot ay ginanap sa Hydro Atlantic shipwreck sa karagatang malapit sa Boca Raton, kung saan si Haining ang kumuha ng larawan habang si Antoski naman ang nagsilbing modelo.

Sa tulong ni Wayne Fryman, isang eksperto sa ­diving, ligtas at matagumpay na isakatuparan ang mas malalim na photoshoot sa ilalim ng dagat.

PHOTOSHOOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with