^

Police Metro

534 nasugatan sa paputok sa bisperas ng Bagong Taon - DOH

Mer Layson - Pang-masa
534 nasugatan sa paputok sa bisperas ng Bagong Taon - DOH
Latest data from the health department showed a total of 163 firecracker-related injuries were recorded from Dec. 22 until yesterday morning from 62 sentinel hospitals.
STAR / File

MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng Department of Health (DOH) na may naihabol pang 188 na kaso ng nabiktima ng paputok o fireworks-related injuries (FWRIs) nitong bisperas ng Bagong Taon kaya’t umaabot na sa 534 ang kabuuang FWRIs sa bansa.

Simula lamang Dis­yembre 22, 2024 hanggang 6:00 ng umaga ng Enero 2, 2025, base sa datos mula sa 62 sentinel sites na binabantayan ng ahensiya.

Paglilinaw naman ng DOH, ang naturang bilang ay 9.8% pa ring mas mababa kumpara sa 592 total FWRIs na naitala nila sa kahalintulad na petsa sa pagsalubong noong 2024.

Bukod dito, mayroon ring nadagdag na tatlong biktima na nasugatan sa pagpapaputok nitong gabi ng Enero 1, 2025 lamang habang tatlo rin naman ang nadagdag na nasugatan sa pagpapaputok ng mga nakalipas pang araw ngunit nitong Huwebes lamang naiulat.

Ayon pa sa DOH, ang mga nasabugan ng paputok ay nagtamo ng pagkasunog ng balat habang 28 ang sumailalim sa amputation o pagputol ng bahagi ng katawan.

Nasa 322 sa mga biktima ay nagkaka-edad lamang ng 19-taong gulang pababa habang 443 naman ang mga lalaki.

Anang DOH, sa nga­yon ang kuwitis na ang na­ngungunang dahilan ng pinsala ng paputok, sumunod ang boga, mga di kilalang paputok, 5-star at whistle bomb.

DOH

FIRECRACKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with