^

Police Metro

VP Sara ipatutumba sina Pangulonng Marcos, FL Liza at Romualdez

Joy Cantos - Pang-masa

Nag-hire na ng assassin..

MANILA, Philippines — Kumontak na ng “assassin” o killer si Vice President Sara Duterte para patayin sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Romualdez para ipaghiganti umano siya kapag may nangyaring masama sa kaniya o mapatay.

Ito ang mariing banta ni VP Sara sa press briefing sa detention facility ng Kamara nitong Sabado ng madaling araw na nag-livestream din para makalahok ang mga Diehard Duterte Supporters (DDS) vloggers, netizens at mga media outlet.

“Nagbilin na ako.... ‘pag namatay ako, ‘wag ka tumigil hanggang hindi mo mapapatay sila,” pahayag ni VP Sara na tinukoy ang mga pangalan nina PBBM, First Lady Liza at Romualdez na siyang mga ipata-target niya para paslangin ng bayarang killer.

“Pag namatay ako mamatay rin sila,” pagbabanta pa ng Bise Presidente na nasa detention faci­lity ng na-contempt nitong Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez sa Kamara.

Iginiit ng bise presidente na seryoso siya at hindi ito basta “joke, joke lang”.

Isa kasing ka-DDS vloggers ang nagtanong kay VP Sara para sa seguridad nito at laking gulat naman ng lahat sa naging maanghang na kasagutan nito.

Ang hindi awtorisadong press briefing ay ipinatawag ng Bise Presidente matapos namang silbihan ng “transfer order” mula sa Blue Ribbon panel si Lopez para ilipat sa detention sa Correctional Institute for Women (CIW) facility sa Mandaluyong City dakong alas-11:30 ng gabi. Tinutulan naman ito Lopez na nag-panick attack at ng boss niyang si VP Sara.

Si Lopez lamang umano ang magsasagawa ng press conference pero kinuha na ni VP Sara ang oportunidad at siya na mismo ang nagpa-prescon. Gayunman, bigla umanong sumama ang pakiramdam ni Lopez na nahilo, sumakit ang ulo at nagsuka bunsod upang isugod siya sa Veterans Memorial Medical Center bago inilipat sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City at doon umano nag-hysterical dahil sa takot sa kanyang buhay.

Samantala, sinabi ni VP Sara na plano niyang manatili muna sa Kamara sa opisina ng kapatid na si Davao City 1st District Rep. Paolo.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with