^

Police Metro

Ex-VP Leni pinasalamatan ang tulong ni Rep. Tulfo, ACT-CIS partylist

Joy Cantos - Pang-masa
Ex-VP Leni pinasalamatan ang tulong ni Rep. Tulfo, ACT-CIS partylist
Former vice president Leni Robredo was spotted in the audience during the Senate plenary session on August 27, 2024
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Labis na pinasalamatan ng non-government organization na Angat Buhay Foundation ni da­ting Vice Pres. Leni Robredo si Rep. Erwin Tulfo at ACT-CIS partylist sa pamamahagi nito ng 500 sako ng bigas para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Bicol region.

Personal na tinanggap ni Sevi Sevilla ng Angat Buhay Foundation nitong Biyernes ang isang truck na may lamang 500 sako ng bigas (25 kilos per sack) mula sa mga kawani ni Rep. Tulfo at ACT-CIS partylist. “Maraming salamat po, napakalaking tulong po nito sa mga nasalanta ng bagyo,” ani Sevilla kasabay ng pahayag na agad nilang ipararating ang mga bigas sa Bicol region para agad na magamit ng mga biktima ng bagyong Kristine.

Maging sa kanilang Facebook page ay pinasalamatan ng Angat Buhay Foundation si Rep. Tulfo at ACT-CIS partylist kabilang ang daan-daan pang mga grupo na nagpadala at nagbigay ng kanilang mga ambag para sa mga nasalanta ng bagyo.

“Maraming salamat sa pakikipagbayanihan,” ayon sa FB page ng Angat Buhay. “Your generosity keeps the bayanihan spirit alive!”

Simula nang huma­gupit ang bagyo ay agad nagkasa ng malawakang relief assistance ang ­Angat Buhay sa pangunguna ni dating VP Robredo partikular sa Bicol region na pinakanapinsala ni Kristine.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with