^

PM Sports

Hotshots balik sa porma

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Hotshots balik sa porma
Kinalabaw ni Magnolia big man Ian Sangalang sina Christian Standhardinger at import Antonio Hester ng Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines — Halos hindi pinawisan ang Magnolia kontra sa Terrafirma, 124-103, para sa krusyal na panalo sa 2024 PBA Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Sumandal sa 34-13 arangkada ang Hotshots sa first quarter at hindi na muling lumingon pa tungo sa kumbinsidong panalo upang makabalik sa winning column ng Group A.

Angat sa 2-2 kartada ang Magnolia para sa No. 4 spot matapos ang 88-82 kabiguan kontra sa reig­ning champion at lider na Talk ‘N Text sa nakaraang laban.

Kumamada ng career-high na 24 puntos si Jerrick Ahanmisi tampok ang 4 na conversions mula sa 4-point line upang trangkuhan ang tambak na panalo ng mga bataan ni coach Chito Victolero.

Humakot din ng 20 puntos ang import at dating NBA Slam Dunk champion na si Glenn Robinson III habang sandamakmak pang Hotshots ang umiskor ng double digits sa kanilang balanseng atake.

Wala pa ring panalo ang Dyip sa 0-4 karta sa kabila ng 23 at 22 puntos nina Stanley Pringle at Christian Standhardinger, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with