^

Pang Movies

Socialite, ipinahamak ng ex na tibo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Pumatol pala sa isang tomboy ang isang female personality na kilala sa mundo ng socialites pero nababalot ngayon sa nasuungang kontrobersiya.

Eh mas daig pa ni female personality ang bakla sa pagkahumaling sa tomboy kaya todo-bigay ng dats at iba pang bagay na ikaliligaya ng tungril, huh!

Pero bano pala sa pagkilala ang socialite sa ugali ng tomboy na kinabaliwan niya.

Kasi naman, ‘pag bibinigyan si socialite ng gamit para sa pandis­pley, feeling nito eh mahal na mahal siya ng T bird.

Hindi niya alam, iginigisa siya sa sariling mantika ni tomboy dahil ‘yung ginagastos ng tomboy na pambili ng ibinibigay sa kanya eh galing din sa bulsa ni socialite, huh!

Eh nang malaman ni socialite ang paandar ni tomboy, iniwan na niya ito at nanatiling single muna hanggang sa may dumating na nagustuhan niya – na isang tomboy ulit.

‘Kaloka.

Mother Lily, tumatak sa CNY!

Chinese New Year celebration today! Holiday at sa Manila kung saan nandun ang pinakamalaking Chinatown eh inayos ang daanan para hindi maipit sa traffic!

Of course, sa ganitong okasyon, we miss Mother Lily Monteverde na nagsasama ng press upang i-celebrate ang Chinese New Year with dragon dance, Chinese delicacies, mooncakes and of course, ang pao bilang pampabuwenas!

Kaya sa PM/PSN readers, happy Chinese Year of the Snake!

MOTHER LILY MONTEVERDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with