23 timbog ng CIDG sa illegal mining
MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang 23 katao na umano’y sangkot sa illegal mining activities sa Bunawan, Agusan del Sur, iniulat ng pulisya kahapon,
Ayon sa PNP CIDG, isa sa mga dinakip sa Brgy. San Andres ay menor-de-edad na agad na dinala sa Municipal Social Welfare and Development Office.
Nasa kustodiya naman ng Bunawan Municipal Police Station ang 22 na iba pa.
Nakuha ng mga awtoridad ang nasa 35 sako ng gold-bearing rock materials, martilyo, electric drill, drilling rod, cellophane wrappers na may ammonium nitrate fuel oil, improvised explosives, improvised electric detonators at blasting caps.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang financier at operator ng minahan habang inihahanda ang kasong paglabag sa Philippine Mining Act..
- Latest