Angel, enjoy na hindi lumalabas ng bahay!
Nag-e-enjoy pa rin daw si Angel Locsin na wala sa limelight at nasa bahay lang, say ni Dimples Romana. Isa si Dimples sa iilang showbiz friends ni Angel na nakikita siya. “Opo ano naman kami... Nakikita ko naman po siya. Naku! ako na naman ‘yung representative. Talagang lagot itong dalawang ito sa akin,” natatawang sagot sa amin ni Dimples nung na-corner namin siya sa shooting ng pelikula nila ni Iza Calzado na Caretakers sa San Miguel, Bulacan noong nakaraang Lunes.
Pero kumusta naman siya physically : “I have yet to check on her but last time naman po she’s okay, she’s happy. We had a meal together. It was her birthday (April) tapos ayun nagkita naman kami. And then, I got to talk to her.”
Wala talagang chance na lumabas siya or bumalik? Sundot naming tanong. “Parang nag-e-enjoy pa po siya sa kanyang life at home. Iba rin kasi, naiintindihan ko po kasi ako rin bilang pamilyado ako parang kung ako rin, alam mo kung kasing yaman ako ni Angel, nasa bahay na rin talaga ako,” nakangiting sagot ni Dimples.
Na-mention mo na hindi siya nagsi-cell phone nung last interview namin, up to now ganun pa rin siya? “Opo. I think hindi siya nagso-social media. I think it is a wonderful choice because ngayon din ‘di ba a lot of the news is also— ako nga sometimes when I watch a news, I feel anxious, I feel worried for the future, so it’s nice that she’s taking this time all for herself. Beautiful choice.”
Pati ang husband niyang si Neil (Arce)? “Opo, opo. Ayan si Direk Lino (Cayetano) best friend ni Neil. Alam n’yo po kahit ako naman, every now and then when you own kasi properties you really let go of them. So I’m not quite sure if they have... I’m not one to say because it’s not mine. So I don’t think there’s anything wrong kung gawin man nila ‘yun,” aniya tungkol sa hindi naman talaga kailangang magtrabaho ni Angel lalo na nga at ang negosyo ng mister nito ay build and sell.
Anyway, walang plano ang Rein Entertainment (grupo ni Direk Lino Cayetano), producer ng Caretakers, na ihabol ang pelikula sa 50th Metro Manila Film Festival na totoo bang mauusog ang deadline ng finished entries?
Veteran tv host, natapyasan ng talent fee!
Wow, muntik na palang maudlot ang ‘contract’ ng isang veteran TV personality sa isang bagong network.
Hindi raw kasi nasunod ang naunang agreement sa talent fee ng TV personality.
Halos 50% daw ang natapyas sa naunang pinag-usapan nila ng management ng bagong network.
Pero nag-reconcile naman kaya natuloy rin ang kontrata ng TV personality tho hindi na raw ito long-term contract kumbaga.
Kung kelan walang franchise…ABS-CBN, mas bumenta ang ‘brand’
Kinilala ang ABS-CBN bilang isa sa tatlong nangungunang video entertainment brands sa bansa at bukod tanging media company sa Pilipinas na nanalo sa kategorya ng 2024 Kantar BrandZ Most Valuable Philippine Brands awarding ceremony.
Ayon sa Kantar BrandZ report, kinilala ABS-CBN dahil malakas pa rin ang ABS-CBN brand kahit wala na itong free TV channel. Dagdag pa ng Kantar BrandZ, dahil napapanood ang mga palabas ng ABS-CBN online ay mas naaabot ng mga manonood ang kanilang mga paboritong programa anumang oras gamit ang iba’t ibang devices.
Ang Kantar Brand Z ay isang taunang ulat na kumikilala sa mga tanyag na brands base sa survey.
Ngayong 2024, pinarangalan ng Philippine BrandZ PH report ang most valuable Philippine brands mula sa sektor ng Payment Networks, Dairy, Video Entertainment, at Fast Food. Niraranggo ito gamit ang Demand Power index, isang sukat ng consumer demand para sa isang brand para magpahiwatig ng volume share ng isang brand batay sa pananaw ng mga mamimili.
Wow, mas bongga pa toh nung may franchise sila.
Advance birthday celeb ni Sen. Bong, may pandugtong sa buhay
May advance birthday celebration ni Senator Bong Revilla. Kahapon ay isinagawa sa Amoranto Sports Complex ang Dugong Alay, Pandugtong Buhay, na napuno ng tao.
Maagang dumating si Senator Bong. Nakiisa sa nasabing celebration ng senador / aktor si Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Ang daming nag-donate ng dugo kabilang na ang police officers. Kaya ang running joke kahapon dun, dumanak ng dugo sa Kyusi.
Anyway, thankful si Sen. Bong kay Mayor Joy na noon pa raw ay super close na sila sa Belmonte family. In fact, hindi raw siya pinababayaan ni Mayor Joy sa Q.C.
Nag-umpisa raw ‘yun kay former Speaker Sonny Belmonte na parati sila noong dinadalaw sa Cavite dahil very close rito ang daddy niya.
At ang birthday wish ni Mayor Joy kay Senator Bong: “Siyempre gusto kong ipagpatuloy niya sa kanyang paglilingkod sa mga mamayanan sa buong bansa hindi lang sa mga proyekto na nasa grassroots, kundi pati na rin sa mga batas niya na lahat ay nakikinabang, mga senior, mag-aaral, sa mga iba’t ibang panukalang batas sa senado,” sabi ni Mayor Joy.
Si Sen. Bong naman ay reconciliation ang birthday wish at wala na raw sanang awayan. “Sana magkasundo na lahat. Wala nang away-away, para sa ating bayan,” aniya sa mga nag-cover na press kahapon.
- Latest