3 Gunrunners tiklo

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang tatlong pinaghihinalaang gunrunners sa isinagawang operasyon sa Quezon City, ayon sa ulat nitong Sabado.
Kinilala ang mga nasakoteng suspect sa mga alyas na Patrick, Joed at Moncar; pawang hinihinalang mula sa grupong kriminal na pinamumunuan ng isang alyas Jerald.
Sinabi ni PNP-CIDG Director Major Gen. Nicholas Torre III, ang grupo ng mga suspect ang umano’y supplier ng loose firearms o mga baril na walang lisensya at mga bala sa mga potensiyal na mga Private Armed Groups (PAGs) sa Abra at may intelligence report din silang nagsu-supply r in ang mga ito sa Metro Manila.
Ayon kay Torre ang mga suspect ay nasakote ng kaniyang mga tauhan sa parking lot ng isang mall sa Brgy. Greater Lagro, Quezon City noong Marso 4.
Bago ito, ay nakipag-deal ang mga undercover agents mula PNP-CIDG Anti-Organized Crime Unit sa mga suspect na bibili ng armas kung saan dumating ang mga ito sa lugar lulan ng isang Toyota Hi-Ace GL Grandia van at Honda Click 125 motorcycle.
Ang mga suspect ay inaresto sa aktong tinatanggap ang marked money kapalit ng mga loose firearms.Nahaharap ngayon ang mga suspect sa kasong kriminal.
Inihayag ni Torre na patuloy ang puspusang operasyon ng PNP-CIDG laban sa lahat ng uri ng kriminalidad partikular na para sa mapayapang pagdaraos ng midterm polls sa Mayo ng taong ito.
- Latest